Chapter 12

220 44 0
                                    

Napalingon ako kay Nico na ngayon ay madilim ang awra habang naglalakad papunta sa direksiyon namin.

"At sino ka naman?" Tanong sa kaniya ng lalaking may hawak sa'kin.

Hindi siya sinagot ni Nico at sa halip ay tinanggal nito ang kamay ng lalaking nakahawak sa'kin at pabagsak niya iyong binitawan.

"Are you okay?" Kalmadong tanong nito habang bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Tumango ako sa kaniya bilang pagtugon saka naman ako ngumiti para ipakitang okay lang ako.

"Hoy lalaki! Bingi ka ba? Ang sabi ko sino ka?" Pag-uulit nong isa.

Nanatili lang nakafocus sa akin si Nico at hindi man lang pinapansin ang lalaking nag-aalburoto na ngayon sa galit. Nagulat na lang ako ng tapik-tapikin nito si Nico dahilan para magbago ang reaksiyon ng mukha niya, sandali naman itong ngumiti sa akin bago ibinaling ang tingin sa lalaking nasa harapan niya ngayon.

"I am her husband, is there a problem?" Malamig na wika nito.

Hindi na ito nakapagsalita pa dahil sa tinuran ng isa at mabilis na lang na umalis.
Pagdating sa bahay ay panay ang panernermon ni Nico sa akin, pinapakinggan ko lang ang bawat salita na sinasabi niya pero tumatagos 'yon sa kabila kong tenga. Expected ko na 'yong ganitong scenario lalo na't muntik na akong mapahamak kong hindi lang siya dumating.

"Are you crazy Divine? Bigla ka na lang tumatakbo ng gano'n kahit alam mong buntis ka. Kong hindi pa ako tinawagan ni Jazelyn, hindi ko malalaman na nawawala ka." Bulyaw nito sa'kin.

Sa totoo lang ang sakit na sa tenga ng panenermon niya, alam ko naman kong gaano siya kaconcern sa baby pero huwag naman sobra.

"Kung si baby 'yong iniisip mo huwag kang mag-alala, hindi naman siya napano." Usal ko.

"This is not about our baby, it is all about you, Divi."

Natigilan naman ako sa sinabi nito,tungkol sa akin? So concern na pala siya ngayon, parang nakakatawa naman pakinggan 'yon. Ang isang cold Professor na walang ibang ginawa kundi magsungit ay concern na ngayon sa dating estudyante na kinaiinisan niya. Hindi ko alam kong kikiligin ba ako o matatawa eh.

"Okay gets ko na, kasalanan ko kaya sorry."

Mali ko naman talaga eh, muntik na akong mapahamak dahil sa pagiging padalos-dalos ko.

"I' am warning you for the second time Divine,kapag may nangyaring masama sayo damay doon ang bata, so could you please be careful. Huwag mong ipahamak ang buhay ng anak ko dahil lang sa kapabayaan mo,"

Napairap na lang ako sa hangin dahil sa sinabi niya, akala ko sa'kin siya concern pero nag-aasume na naman ako. Ang drama kasi ng sermon, ayaw pa akong deretsuhin na sa baby lang naman talaga siya concern.
Matapos ng mahabang panenermon ay nakaakyat na rin ako ng kwarto. Una kong ginawa ay naligo at pagkatapos naman no'n ay lumabas na ako ng banyo para magbihis at mag-ayus.

Nakaharap ako ngayon sa vanity mirror habang sinusuklay ang buhok, hindi ko maiwasang isipin 'yong nangyari kanina baka tuluyan na akong napahamak kong hindi dahil kay Nico. Marahan kong hinaplos ang malaki na tiyan haban kinakausap ang anak, hindi naging maingat si Mama kaya muntik na tayong mapahamak, sorry baby.

Inabala ko na lang ang sarili sa pagsusuklay ng bigla akong makaramdam ng pananakit banda sa kaliwa kong braso, agad ko naman iyong tiningnan bago ko napagtantong may pasa pala 'yon.

May pagka-sensitive kasi ang balat ko, kaya konting hampas o mahigpit na hawak lang ay nagkakapasa na, at dahil nga maputi ako ay kitang-kita 'iyon.

Gusto kong takpan 'yong pasa na 'yon kaya naisipan kong humanap ng sweatshirt sa closet para maisuot, kasabay naman no'n ang pagbukas ng pinto at iniluwa noon si Nico na may dalang maliit na palanggana at isang ice bag.

Seducing Professor Adams  Where stories live. Discover now