Chapter 11

227 45 0
                                    

I am now three months pregnant at healthy naman si baby, isang beses sa isang linggo ko binibisita ang ob-gyn ko para masiguradong laging safe ang anak ko. Sa kabila ng stress at problemang pinagdadaanan ko nanatili pa rin akong nagpapakatatag para kay baby, gusto kong maging matapang para sa kaniya.

"Okay ka lang ba diyan?" Tanong ni kuya habang nagvivideocall kaming dalawa.

Tumango naman ako sa kaniya sabay ngiti.

"Ayos lang ako rito, sila Mama? Kamusta sila diyan?" Tanong ko.

Namimiss ko na sila, minsan nga patago ko silang binibisita nila Kuya. Dahil nga sa nangyari ay nilihim namin ni kuya ito sa kanila at pinalabas nitong nasa States ako at nagtatrabaho,paminsan-minsan ay nakikipag-videocall sa akin si kuya para kamustahin ako at laging okay lang ang sagot ko sa kaniya kahit hindi naman.

"They are okay, Divine. Nga'pala may kailangan lang akong gawin, tawagan na lang kita ulit mamaya."

Nagpaalam na ito sa akin bago ibinaba ang tawag, boring na boring na ako dito sa loob ng mansiyon at gusto ko namang makalanghap ng fresh air. Sabado ngayon at walang pasok sa trabaho si Nico kaya sumubok akong pumunta sa kwarto niya para yayain itong mamasyal sa labas.

Pagkarating ko sa labas ng kwarto nito ay tatlong beses akong kumatok sa pinto bago niya ako pinagbuksan.

"Why?" Saad nito.

"Samahan mo naman akong mamasyal sa lab-"

"I'm busy!"

Hindi pa ako tapos magsalita ng bigla niya akong bagsakan ng pinto, bumuntong-hininga na lang ako habang pinipigilan ang paghikbi. Isang pangarap na lang sigurong mahalin niya ako pabalik, ang sikip at ang hirap huminga. Bakit kasi pilit kong ipinagsisiksikan ang sarili ko sa isang kagaya niya.

Naglakad ako mag-isa sa labas ng bahay para kahit papano ay makapaglibang, naalala ko rin ang sinabi sa akin ng ob-gyn ko na dapat daw may exercise ako sa katawan para kong sakaling dumating na ang kabuwanan ko ay hindi ako mahihirapang manganak.
Habang naglalakad ako mag-isa ay hindi ko mapigilang magmuni-muni sa paligid, tahimik itong village at mukhang mayaman ang mga taong nakatira dito. Ang lalaki kasi ng mga bahay na nakikita ko at magagara pa, ni minsan hindi talaga sumagi sa isipan kong tumira sa ganito kagandang mansiyon.

Matapos ang ilang oras na paglalakad ay bumalik na ako ng bahay, magdidilim na din kasi at sakto namang gutom na gutom na ako. Pagkarating ko ng sala ay doon nakatambay si Nico habang may kausap na lalaki, bago iyon sa paningin ko at base sa postora nito ay isa iyong Attorney.

"I want to make things clear, Att. As a professional professor kailangan ko ng isang temporary wedding na magpapatunay na kasal kami bago siya mabuntis, hindi naman siguro makakaapekto 'yon sa propesiyon ko?" Rinig kong tanong ni Nico.

"Of course not, Mr. Adams as long as may maipapakita Kang wedding certificate."

Naiintindihan ko ang gustong ipahiwatig ni Nico, bilang isang guro mayroon silang rules na sinusunod bilang isang magandang halimbawa para sa kanilang mga estudyante at panget namang tingnan na as a professor magkasama kami sa bahay na hindi kasal lalo na't buntis pa ako. Kapag nalaman 'yan ng principal ay paniguradong matatanggal ito sa trabaho.

Sa kagustuhan ni Nico na maingatan ang propesiyon ay ikinasal kami sa Att. Ng mismong araw na iyon. Valid naman daw ang wedding na iyon as long as mayroon kaming witness na magpapatunay na ikinasal nga talaga kami at 'yon ay ang isa nitong kapitbahay. Masyado ng mabilis ang mga nangyayari at hindi agad maproseso ng utak ko na isa na akong Mrs. Adams ngayon.

Dahil sa tuwa ay masaya ko iyong ibinalita sa kaibigan pero dahil nga hindi mauuto si Princess ay hirap na hirap itong paniwalaan ang mga sinasabi ko.

"Nag-aassume ka na naman, Sis. Tandaan expectation can hurt you more." Usal nito.

Seducing Professor Adams  Where stories live. Discover now