Chapter 15

228 44 0
                                    


Alas-nwebe na ng gabi pero wala pa din si Nico kaya hindi ko maiwasang mag-alala. Nong una okay lang naman siya, akala ko naging sapat 'yong pag-stay ko sa tabi niya para kahit papano ay gumaan ang mabigat niyang dinadala pero hindi pala. Tatlong araw na kasi siyang hindi umuuwi, tinatadtad ko siya ng text pero hindi siya nagrereply.

"Ma'am, gabi na po. Bakas gusto niyo na pong magpahinga." Wika ni Jazelyn.

Ngumiti ako sa kaniya sabay iling, gustuhin ko mang magpahinga pero baka hindi rin ako makatulog. Sobra na akong nag-aalala kay Nico, nagawa ko ding tawagan si tito pero kahit siya ay hindi rin alam kong nasaan ngayon ang asawa ko.

Napatingin ako sa wall clock ng mapagtantong alas dose na ng gabi. Pinauna ko ng pinatulog si Jazelyn dahil alam kong pagod 'yon sa gawaing bahay, napapahikab nadin ako ng ilang beses pero pinilit ko na lang na imulat ang mga mata.

Papikit pikit na ako ng bigla namang nagring ang phone ko, sinagot ko naman 'yon agad ng makita ang caller id ni Nico.

"Nico? Nasaan k-"

"Abby? Bakit mo ginawa sa'kin ito? Alam mo naman kong gaano kita kamahal diba?" Wika nito sa lasing na boses.

Rinig ko pa ang pagsinghot nito at alam kong umiiyak siya, hindi ako nagsalita at nanatiling tahimik habang pinapakinggan ang mga sinasabi nito.

"Alam mo kahit gaano pa kasakit 'yong ginawa mo sa akin, willing pa rin ako na patawarin ka. I love you Abby, please come back." Dagdag pa nito.

Hindi ko alam kong ano ba ang dapat kong maramdaman, namalayan ko na lang na unti-unti na palang tumutulo ang mga luha ko. Bakit ang sakit pa rin?

"Where are you? Susunduin kita." Pigil hikbi kong wika.

Hindi na siya sumagot at bigla na lang naputol ang tawag, napaupo ako sa sahig at tuluyan ng napahangulgol sa iyak. Ang sakit pa rin pala kahit pilit kong isipin na wala na, akala ko ba ayaw niya akong mawala sa buhay niya pero paulit-ulit niya lang din naman akong pinagtutulakan.

Dumating na din siguro sa puntong napagod na ako kaya maaga pa lang ay iniligpit ko na ang mga gamit ko. Kapag pala paulit-ulit kang sinasaktan ay nakakasawa at nakakapagod din, 'yong tipong gusto mo na lang lumayo kong saan malayo ka sa taong nagiging dahilan ng sakit na nararanasan mo ngayon.

"Ma'am, saan po kayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Jazelyn.

Isa-isa kong inimpake ang mga damit at maayos na isinalansan sa maleta, nanggaling ako sa broken family at nabuo rin naman pero ayaw kong maranasan ng anak ko ang bagay na iyon kaya kahit masakit ay paulit-ulit kong tiniis pero nakakasawa rin pala.

Hindi ko na sinagot si Jazelyn at mabilis na lumabas ng kwarto, kahit umalis ako ay hindi niya rin naman ako hahanapin. Sapat na 'yong ilang buwan para manatili sa tabi niya at alam naman naming pareho na hindi talaga kami 'yong para sa isa't-isa.

Bago ako tuluyang lumabas ng bahay ay pinirmahan ko muna ang divorce paper, patunay lang 'yon na pinuputol ko na kong ano man ang koneksiyon naming dalawa at ito 'yong desisyon na pinili ko para makalaya na.

"Ma'am Devine?" Mangiyak-ngiyak na sambit ni Jazelyn.

"Thank you sayo ha, kasi kahit na pasaway ako at matigas ang ulo hindi mo ako sinukuan. Manatili ka lang dito sa mansiyon at ipangako mo sa akin na hindi mo iiwan si Nico, galit ako sa kaniya pero kahit na gano'n mahal na mahal ko pa rin 'yong taong 'yon."

Hindi ko na napigilan ang sarili kaya nagsimula ng magsibagsakan ang mga luha ko, sobra na akong nahihirapan. May part na ayaw ko siyang iwan pero mas matimbang 'yong sakit na ibinigay niya sa akin.

Seducing Professor Adams  Where stories live. Discover now