Last Chapter

262 42 0
                                    

Nico PoV

" I, Nico Hash Adams, take you Divine Shane Maxwell to be my wife. I promised to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life."

Akala ko tuluyan ng kukunin sa akin si Devine, inaadmit kong hindi ako naging mabuting asawa sa kaniya pero sa panibagong pagkakataon na ito ay pinapangako kong mamahalin at aalagaan ko siya higit pa sa buhay ko.

Dininig ni God 'yong panalangin kong huwag muna siyang kukunin sa akin and that time someone donated a heart on her. Hindi matutumbasan ng kahit na ano ang pagmamahal ko sa kaniya at kong sakaling mawawala siya sa akin ay kalahating pagkatao ko ang pinatay na no'n.

Hindi na ako nagdalawang isip na yayain si Devine ng kasal nong magising na ito, hiningi ko na siya sa kaniyang Ina at ama pati na rin sa kanyang mga kapatid. Binigyan nila ulit ako ng pagkakataon para makabawi at ngayon ay hindi ko na sasayangin pa iyon.

Pareho kaming nanunumpa sa harap ng altar ngayon para ipakita kong gaano namin kamahal ang isa't-isa, hindi ko aakalaing si Devine Shane pala ang babaeng makakasama ko habang buhay, nong una nabigyan na ako ng sign pero binabalewala ko lang at ngayon mababaliw ako 'pag iniwan niya na ako.

"You may now kiss your bride."

Hinawi ko ang belo nito saka ko marahang hinawakan ang magkabila niyang pisngi, ang tingin ko kay Pamela ngayon ay isang babasaging bagay na kapag nabitawan mo at nabasag ay mahirap ng buuin ulit. Inilapat ko ang labi ko sa kaniya at do'n ko naramdaman ang isang halik na punong-puno ng pagmamahal.

"I love you." Wika ko sa gitna ng paghahalikan namin.

Narinig ko ang pagpalakpakan ng mga tao dahilan para mapangiti kaming pareho, kumawala na ako sa mga halik namin saka ko naman siya niyakap ng mahigpit. Ako na 'yong pinakamasayang lalaki ngayon at pinapangako kong buuin ko ang pamilya na 'to at hindi ko ipaparanas kay Devine Shane ang isang pamilyang naranasan niya noon kong saan iniwan siya ng ama nila.

James Nico Maxwell Adams is now a 7 months old, sobrang bilis talaga ng panahon. Walang kaduda-duda na anak ko siya lalo na't para na kaming carbon copy kapag pinagtatabi na dalawa, kuhang-kuha nito lahat ng anggulo ng mukha ko habang ang nakuha niya lang kay Divine ay  ang hugis ng labi nito.

"Ikaw ba talaga ang Nanay? Tingnan mo nga labi lang nakuha sayo," pang-aasar ko kay Devi.

Alas- syete ng umaga at maganda ang sikat ng araw kaya naisipan naming paarawan muna si James. Sumimangot naman si Devine saka ako pinalo ng babyron.

"Porket mukha na kayong carbon copy, nagmamayabang ka na. Malay mo sa pangalawa kamukha ko naman," nakangisi niyang saad.

Kunot-noo ko naman siyang tiningnan pero tanging ngiti lang ang ibinigay nito sa akin. Hindi ko alam kong slow ba ako o sadyang hindi lang ako makapaniwala.

"Pangalawa? What do you mean?" Nagtataka kong tanong.

"I'm pregnant." Masaya nitong balita.

Ipinakita nito sa akin ang pregnancy test at halos tumalon ako sa tuwa ng makita ang dalawang guhit doon. Shit! Magiging tatay na ulit ako.

Ibinigay ko kay Jazelyn si James at agad ko namang niyakap ng mahigpit si Shane, nagawa ko pa itong buhatin at pinaikot-ikot dala ng sobrang kasiyahan.

"Hoy buntis, magdahan-dahan ka nga sa pagkain at baka mabulunan ka." Suway ng mag asawang si Clifford at Shella kay Devine.

Nagtatampo sa amin itong si Princess dahil hindi raw namin siya binibisita kaya heto kami ngayon sa kanila.

Buhat-buhat nito si James habang matalim ang mga matang nakatingin kay Divine pero 'yong isa ay wala man lang pakialam. Hinayaan ko muna silang magtalo diyan saka ako nagdesisyong lapitan si Clifford na nakatambay sa balkonahe.

"Congrats, you're going to be a father." Pagbati ko rito.

Shella is now 7 months pregnant habang si Devine naman ay 1 month pa lang, baka nga mamaya 'yong isa't-isa na ang pinaglilihian nila lalo na't hindi mabubuo ang araw kapag hindi sila nag-aaway. Mga babae nga naman, sakit sa ulo.

"Thanks bro, ikaw din congrats sa inyo." Natatawa niyang wika.

Narinig kong bumuntong hininga ito saka naman niya ako inakbayan.

"Hindi ko talaga aakalain na si Devine Shane 'yong para sayo, akalain mo estudyante at Proffesor ang layo diba. By the way, kamusta na kaya si Abby ngayon?"

Simula nong tapusin ko kong ano man ang mayroon kami ay hindi na ito nagpakita pa sa akin, I hope na may kaniya-kaniya na kaming buhay at sana masaya siya sa kong anong mayroon siya ngayon. Sapat na sa'kin ang mag-ina ko ngayon lalo na't madadagdagan pa kami ng isa at wala na talaga akong ibang mahihiling pa.

"Give it back to me!" Narinig kong sigaw ni Shane.

Pareho kaming napalingon ni Clifford sa mga asawa namin na ngayon ay para ng aso't pusa na nagtatalo dahil lang sa pagkain, nakita ko naman kong paano ngumiti si James habang tiningnan ang dalawa na nagtatalo.

My life is perfect at hindi ito mangyayari kong hindi dahil kay Devine Shane lalo na't siya ang bumuo ng pagkatao ko, napunan niya lahat ng pagkukulang sa buhay ko at pinuno niya ako ng sobrang pagmamahal. Hindi ko alam kong bakit  naging deserve ko ang isang kagaya niya na kahit kailan ay hindi napagod na iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa.

"Nico?" Naluluha nitong wika.

Nakangiti akong lumapit sa kaniya saka ko siya marahang hinalikan sa noo, may pagka-isip bata din ito si Devine minsan kaya kailangan mo talaga dito ay buong pag-iintindi at malawak na pag-unawa.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti ng makita ang mangiyak-ngiyak nitong mukha, hindi lang ako nagkaroon ng asawa, nagkaroon na din ako ng baby na kailangan mong suyuin araw-araw kapag tinotoyo.

Ala-singko na ng hapon kaya naisipan na naming umuwi, nagpaalam muna kami kela Shella at Clifford bago kami umalis. Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay nakatulog na si Devine gano'n na din si James na mag-isa sa likod habang nakaupo sa kaniyang folding stroller.

Seducing Professor Adams  Where stories live. Discover now