Chapter 10

222 44 0
                                    

Nakatulala ako sa kawalan matapos kong malamang buntis ako, madaming tanong ang pumapasok sa isip ko at isa na doon kong paano ko sasabihin sa pamilya ko 'yong totoo.

Hindi ko inaasahang mabubuntis ako dahil sa isang gabing pagkakamali na iyon,napailing ako saka sinabunutan ang sarili. Gulong-gulo na ako, paano ko ngayon bubuhayin 'yung bata kong sarili ko nga ay hindi ko mabuhay.

Pumasok muli ako sa banyo saka ko kinuha ang small knife na nakatago sa loob ng drawer, hindi nila pwedeng malaman na buntis ako dahil pagnagkataon pareho kami ni Nico na malalagot.

Naluluha ang mga mata ko habang tinututukan ang palapulsuhan ng blade, kong 'yong sarili ko nga ay hindi ko kayang mahalin paano pa kaya 'yong bata. Hindi pa man siya lumalabas sa mundong ito ay alam ko ng hindi siya matatanggap ng ama niya.

Humangolgul ako ng iyak saka ko hiniwa ang palapulsuhan ko, maraming dugo ang lumabas doon habang patuloy lang ang pagbagsak ng mga luha ko. Patawarin mo ako anak, hindi kayang ibigay ni Mama 'yong buong pamilya na gusto mo.
Unti-unting nanlabo ang mga mata ko kasunod no'n ay nawalan ako ng malay at bumagsak sa sahig.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata saka naman bumungad sa akin ang puting kisame, nasaan ako?

"Is she will be okay?" Nag-aalang tanong ni ate Shella.

"Yes, lately mukha siyang stress at isa 'yon siguro sa dahilan kung bakit bigla niyang ginawa ang bagay na iyon. Hindi naman gano'n kadaming dugo ang nawala sa kaniya and for now kailangan niya lang ng pahinga." Sagot nito.

Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto sensyales na lumabas na si Doc, naka-confine ako ngayon sa hospital pagkatapos kong pagtangkaang patayin ang sarili, sayang lang talaga dahil hindi pa ako natuluyan.

"Kuya? ate?" Namamaos kong usal.

Dismayado niya akong tiningnan habang nakapamewang, dahan-dahan akong bumangon ng kama ng magulat ako sa bigla niyang ginawa. Sinampal ako nito. Napahawak naman ako sa pisngi ko it's my first time na pinag buhatan n'ya ako ng kamay.

"Are you crazy, Devine? Ano ba talagang problema mo kasi gulong-gulo na ako sa kong ano ba talaga ang nangyayari sa buhay mo. Kapag tinatanong ka lagi mong sinasabi na okay ka lang, pero ano ba 'yong totoo?" Galit na galit niyang sabi.

Namalayan ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko, sobrang bigat pala sa dibdib kapag lahat ng problema at pag-agam-agam mo ay sinasarili mo.

Wala kasi akong lakas ng loob para magkwento sa kanila, natatakot ako na baka husgahan nila ako dahil paulit-ulit lang akong nagpapakat*nga sa isang lalaking may mahal ng iba.

"Sorry, ayaw ko kasing mamoblema kayo sa landas na pinapasok ko-"

"Problema? Ganiyan ba ang iniisip mo na tingin namin sayo? Oo Devine, tamad ka, nakapagtapos ka ng pag-aaral pero hindi ka nagtrabaho para lang makatulong sa amin, pero ni minsan ba may narinig kang sinabi namin na problema ka sa pamilya? Si Premo at daddy, kahit na masakit ka sa ulo lahat ng gusto mo binibigay nila, si Mama kahit na nauubos na ang pasensiya sayo pero iniintindi ka pa rin.Kung alam mo lang kong gaano ka namin kamahal pero nagawa mong patayin ang sarili mo para sa anong dahilan? Sa lalaki na alam mong una palang hindi na mapapasayo, hindi mo man lang kami inisip Devine!"

Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ni kuya habang ako naman ay nagpipigil ng hikbi, hindi ko akalain na sa kabila ng lahat ng problemang ginawa ko nandito pa rin sila. Paulit-ulit nila akong pinili kahit sumosobra na 'yong ugali ko.

" Patawarin mo ako kuya, natatakot kasi akong sabihin 'yong totoo sa inyo. Kuya?..... Buntis ako." Pag-amin ko.

Bakas sa mukha nito ang gulat dahil sa mga salitang sinambit ko,umiling ito na tila ba hindi makapaniwala habang ako naman ay patuloy lang sa paghikbi.

Seducing Professor Adams  Where stories live. Discover now