Chapter 5

230 46 0
                                    


Sabado ngayon at wala akong ibang magawa kundi maglinis ng kwarto. Isang buwan na lang bago matapos ang school year at isang buwan na lang din ay tuluyan ko ng iiwan ang Pilipinas, sabi ko pa naman hindi ako aalis pero wala akong nagawa. May choice ba ako?

"Sis? I'm here na," si Princess.

Pinapunta ko ito sa bahay dahil gusto kong magpasama sa kaniya sa mall, bibili kasi ako ngayon ng korean highwaist slim skirt na gagamitin ko para sa intrams. Iyon kasi ang napag-usapan ng lahat para daw pare-pareho kami. Pagbagsak namang humiga si Princess sa kama bitbit ang mamahalin nitong sling bag. Sosyal diba.

"Nagliligpit lang ako ng mga damit ko, maliligo na din ako pagkatapos nito." Saad ko.

Nilagay ko na ang lahat ng damit na pinaglumaan ko sa garbage bag dahil iyon ang itatago ko sa cabinet at 'yong ibang hindi naman kasya sa'kin ay idodonate ko na lang sa bahay ampunan. Mas mapapakinabangan pa nila 'yon kesa naman sa itapon ko at gawing basahan.

"Maglilipat bahay ka ba? Halos lahat ata ng mga damit mo ay nilagay mo sa garbage bag."

Sa totoo lang long time bestfriend ko na siya pero hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang tungkol sa pag-alis ko. Madaldal kasi 'tong baklang 'to at baka mamaya e ipagchismisan pa niya.

"Nililigpit ko lang para sa pag-alis ko malinis itong kwarto." Sagot ko rito.

"Aalis ka? Saan ka naman pupunta...?" Nagtatakang tanong nito.

Nong una kasi ay nagdalawang- isip pa akong umalis, may bagay kasi na tumutulak sa'kin para umalis at may bagay namang nagsasabing huwag na akong tumuloy, masyadong magulo nong una dahil baka nagpapadala lang ako sa lungkot at baka nagpapadalos-dalos lang ako ng desisyon, pero nong nakatagalan at kumalma na ako narealize kong tama ang desisyon kong umalis

. Pipiliin ko pa bang mag-stay rito kong alam kong dito lang ako masasaktan.
Itigil ko naman ang ginagawa bago binalingan ng tingin si Princess.

" I am going to states Princess, I decided that I'll continue my studies there and doon na lang magtapos ng pag-aaral at tuparin 'yong pangarap ko. Soon baka umalis na ako." Malungkot kong usal sa kaibigan.

Nakita ko kong paano ito nagulat pero nagbago din ang reaksiyon nito kalaunan, nabuhay ang lungkot sa mga mata nito kaya hindi ko rin maiwasang maging malungkot.

" You are leaving without even telling me? Kaibigan moko Shane, but why always kang ganiyan?" Pagmamaktol nito.

Napabuntong-hinina na lang ako saka naman ako umupo sa tabi nito, ayaw kong nanunuyo pero mukhang kailangan kong gawin ngayon 'yon.

"Sorry sis, masyado kang madaldal e. Baka 'pag sinabi ko naman sayo ay e chismis mo."

Nagbago ng ekpresiyon ng mukha nito, nagsasabi lang naman ako ng totoo eh.

"Grabe ka sa'kin ha."

Para namang hindi niya ako ginaganiyan, tulad na lang kahapon. Sinabi ko ng ayaw ko pero nagawa niya pa rin akong sabihan ng pakipot at makapal ang mukha.

"Kailangan ko ngayon ang pag-iintindi mo, alam mo naman siguro kong ano 'yong reason kaya ako aalis diba."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito, senyales 'yon na naiintindihan niya ako. Mahigpit ko naman itong niyakap saka ko nakita ang pag-guhit ng ngiti sa labi nito, bar*t lang talaga siya kausap pero alam ko kong gaano ka-maintindihin itong kaibigan ko.

"Palagi kitang naiintindihan Devi, ikaw lang naman ang hindi. Basta promise me, uuwi ka rin dito para bisitahin ako." Ngumiti naman ako habang paulit-ulit na tumango.

Seducing Professor Adams  Where stories live. Discover now