Chapter 4

248 50 0
                                    

I don't know kung saan ako dadalhin ng dalawang lalaki na nakahawak sa braso ko ngayon, bigla ko namang narinig ang pagbukas ng pinto bago sumalubong sa akin ang lamig ng aircon gano'n na din ang nakakabinging katahimikan sa loob ng classroom na iyon.

Akala ko blind date pero mukhang balak pa ata akong e salvage ng dalawang to. Nababalot kasi ng katahimikan ang kwartong iyon, impossible namang ako lang ang nakipag-blind date sa dinami-dami ng estudyante sa EU.

Naramdaman ko na lang ang pagtanggal nito  ng posas sa kamay ko kasabay no'n ay  ang  pagtanggal nito ng piring sa mata ko.  Ilang saglit ko pang kinurap ang mata ko para makabawi sa liwanag ng paligid, agad ko namang inusisa ang kabuuan ng  silid, maayos naman iyon at malinis.

Kasunod no'n ay ang mga lamesang nakahilera sa gitna habang may nakalagay na bulaklak sa gitna ng lamesa at ang  dalawang upuan sa magkabilang  gilid nito.

"Naghihintay doon ang kablind date mo." Usal nito.

Itinuro nito sa akin  ang isang lalaki na nakaupo mag-isa. Nakasuot ito ng kulay asul na damit pero hindi ko naman nakita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa'kin.

"Sige salamat."

Tuluyan na akong humakbang papunta sa lalaking itinuro nito sa akin.

Wala gana akong umupo sa upuan na kaharap nito pero laking gulat ko ng makita ang pamilyar na mukha ng lalaki. Sh*t! Siya 'yong asa field ah, 'yung lalaking dahilan kong bakit ako nagkasugat sa tuhod.

"Ikaw?" Hindi ko makapaniwalang sambit.

Seryoso lang ng mukha nito na para bang hindi ito nagulat ng muli kaming magkita.

"You are Princess's friend huh? So we meet again Ms...?"

"Devine Shane." Nakasimangot kong sagot.

Hindi ko naman napigilan usisain ang mukha nito. May pagka-badboy look siya kaya masasabi kong cool talaga siya. May itim na hikaw ito sa kaliwang tenga habang may ahit din sa gitna ang kanan at makapal niyang kilay.

Maputi at makinis ang mukha niya, matangos din ang ilong.Napadako din ang tingin ko sa mapula at namamasa niyang mga labi. Jusko po, ilayo niyo ako sa tukso.

"Sorry ha, but I'm taken. Sa iba ka na lang makipag-blind date baka kasi magselos ang boyfriend ko." Pagpaprangka ko dito.

Seloso naman kasi talaga si Sir Nico, proven na 'yon but not tested. Tumayo naman ako sa kinauupuan akma ng aalis ng bigla itong magsalita.

"Sabi ng kaibigan mo single ka, kaya pumayag naman ako sa pakiusap niya."

Pahamak talaga 'yong baklang iyon, hindi na siya nakuntento bigla na lang akong pinablind date ng hindi man lang inalam ang consent ko ta's mukhang mahihirapan pa ata akong magsinungaling ha.

"Sinabi niya 'yon? Masyado kasi kaming lowkey ng boyfriend ko kaya hindi ko rin pinaalam sa kaniya at isa pa, kulay asul 'yang suot mong damit so it that means broken ka. Sorry to say pero hindi  ako 'yong tipo ng babaeng pang-rebound lang." 

Hindi ko alam kong saang part ako nagbiro para tumawa 'yong lalaki na to. Nakakainis ka talaga Prince! May araw ka din, kanina pa ako hirap na hirap mag-isip ng rason para lang makaalis dito.

"Porket ba nakasuot ng asul broken na agad?  You're also wearing a dark pink t-shirt but I didn't interfere," sarkastiko nitong saad.

Bumuntong- hininga na lang ako saka ngumiti ng peke. Jusko, masyado ng mahaba ang pasensiya ko sa lalaking ito, hindi ba niya maget's 'yong mga sinasabi ko.

Seducing Professor Adams  Where stories live. Discover now