Chapter 13

226 44 0
                                    

Sa totoo lang hindi ko talaga agad siya nakilala,ang laki kasi ng pinagbago niya ibang-iba sa dating badboy na Lexter na nakilala ko. Mas lalong nakadagdag pogi 'yong awra niya ngayon pero hindi nandiyan pa rin 'yong ahit sa kilay nito at ang kaniyang itim na hikaw.

"Ang laki ng pinagbago mo, lakas makaglow-up yan." Natatawa kong wika.

Nakita ko kong paano gumuhit ang mga ngiti nito sa labi na mas lalong nagpapogi sa kaniya.

"How are you? After nating mag-usap nong intrams,'di na tayo nagkita hindi tuloy kita nasingil sa utang mo." Saad naman niya.

Hindi ko naman maiwasang mapakunot-noo, anong utang 'yon? Nanghihingi ba siya ng bayad pagkatapos niya akong buhatin ng walang permiso para dalhin lang sa room.

"Utang?Para saan?"

"Before the game you said goodluck at ang sabi ko nga no'n, kapag nanalo kami papayag kang makipag-date sa'kin and then you said yes. Pero bigla ka namang nawala," panimula nito.

Oo nga pala, 'yong date. Biglaan din kasi ang pag-alis ko no'n at hindi ko na rin siya nakita pa,madalang lang ang pagkikita namin ni Justine noon lalo na't nasa kabilang building ang room nila.

"That time I ask Princess about you until nalaman kong pumunta ka na ng states, nakakatawa nga eh kasi naging desidido ako sa date na 'yon kaya nagawa kitang sundan doon pero ang t*nga ko kasi hindi ko man lang alam kong anong address mo." Pilit man ay nagawa pa rin nitong tumawa.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng gulat dahil sa sinabi nito, grabe 'yong effort ni Lexter at hindi ko akalaing magagawa niya ang bagay na iyon. As in sino ba naman kasing lalaki ang gagawa ng ganong bagay para lang sa isang date.

"Sorry, Lexter. Don't worry dahil nandito na ako babayaran ko na 'yong utang ko sayo." Nakangiti kong usal.

Sumilay ang mga ngiti sa labi nito saka umiling, akala ata niya ay nagbibiro ako. Gaya nga ng sabi ko babayaran ko ang utang ko sa kaniya kaya nagdate kami na dalawa, una niya akong dinala sa skyranch Tagaytay. Sobrang nakakahanga ang lugar na iyon, sobrang ganda at mula sa kinatatayuan ko ngayon ay tanaw na tanaw ko na ang Taal Volcano,first time kong makapunta rito kaya kumikinang talaga ang mga mata ko sa pagsusuri ng kapaligiran.

Bigla akong hinila ni Lexter para sumakay ng rides, kahit pambata o pang matanda ay pinatos na naming dalawa. Nong mga oras na iyon hindi ko maipaliwanag 'yong sayang nararamdaman ko, napatingin ako kay Justine na ngayon ay tuwang-tuwa sa mga nangyari. Sa totoo lang ay parang ayaw ko ng umuwi ng bahay, nag-eenjoy na ako kasama siya at alam kong pagkatapos ng saya na ito, kapalit no'n ay lungkot.

Nagdesisyon na kaming umuwi ni Justine nong mag-aalas nwebe na ng gabi saka siya nag-insist na ihatid na lang ako. Habang nas kalagitnaan kami ng byahe at tahimik lang kami pareho, masyado kaming nag-enjoy na dalawa kaya unti-unti na akong nakakaramdam ng pagod.

"Princess told me that you're married, is that true?" Tanong nito.

Minsan ang sarap talagang tahiin 'yong bunganga ng baklang 'yon, akala ko ba hindi siya naniniwala ta's ngayon ipinagkakakat pa.

"Ahh, oo." Sagot ko sa kaniya.

Hindi na sumagot si Lexter at nanatiling tahimik. Malapit na kami sa bahay ng matanaw ko ang isang nakapamewang na lalaki na nakatayo sa labas ng gate. Si Nico.

Nang makahinto ay naunang lumabas si Lexter para pagbuksan ako ng pinto, pagkababa ko naman ng sasakyan ay mabilis akong hinila ni Nico dahilan para mapayakap ako sa kaniya.

"Be careful." Si Lexter ng makitang hinila ako ni Nico.

"I'am her husband and don't you dare to interfere!" Tiim-bagang nitong saad.

Seducing Professor Adams  Where stories live. Discover now