Chapter 2

416 53 0
                                    

Ang pagiging isang 3rd year college student ay hindi madali, duhh! Ikaw ba naman tambakan ng madaming gawain, ewan ko lang kong di sasakit ulo mo. Homework dito, project doon' juskoo! Naiistress ang beauty ko dzai.

Pero kering keri ko naman, lalo na kapag nakikita ko lagi sir Nico, nabubuhay ang dugo ko at sinisipag gawin ang mga projects na binibigay ng mga professor namin. Iba talaga kapag may inspirasyon ka, gaganahan ka talaga gumawa kahit gaano ka pa katamad.

"Uy bakla, dahan dahan lang baka mabulunan ka, jusko ka!" saway naman sakin ng kaibigan kong si Princess.

Prince Padilla talaga ang real name niya, He is a gay, pero gusto niya na Princess ang itawag ko sa kaniya, kaya kapag tinawag ko siya sa buo niyang pangalan' para siyang toro na umuusok ang ilong sa galit. Kaloka diba!

We're at the cafeteria ngayun dahil lunch time, umalis kase ako kanina ng bahay na hindi nag aalmusal kaya gutom na gutom na talaga ako.

"Just let me eat Princess, gutom talaga ako" wika ko naman sa kaniya, sabay subo ng pagkain.

"Ewan ko sayu Devine, umaalis ka ng bahay ng hindi kumakain, sige ka magkaka ulcer ka talaga sa ginagawa mo" ayan nanaman ang panenermon niya.

Thankful nga ako at nasa States si mom and dad, dahil kong hindi baka nasira na ang eardrums ko sa kakaputak niya. Para ba naman kaseng bomba ang bunganga non hindi tumigil sa kakatalak. Lalo na't pasaway pa naman ako at matigas ang ulo.

Wala nga si mom para sermonan ako, andiyan naman si Princess. Ay my life.

"Kumain ka na lang kaya jan, kesa manermon ka nanaman, para kang si mama eh." Sambit ko.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya. Alam niya naman kase na kahit anong panernermon ang gawin niya, di pa rin ako makikinig. Matigas ulo ko remember.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkain,, nakatatlong kanin din ako, at ngayun parang sasabog ang tiyan ko sa kabusugan.

Natapos naman kaming kumain ni Princess, kasunod non ang pag bell hudyat na tapos na ang lunch break. Kaya agad naman kaming bumalik ng room, di ko maiwasan na makaramdam ng excitement ang subject kase ni sir Nico ang sunod, kaya di maiwasang magdiwang ng puso ko. Sa wakas makikita ko nanaman ang future husband ko.

Agad naman akong naglagay ng pulbo at liptint, para kapag makita niya ako di ako hanggard noh, baka kase maturn off siya kapag nakita niyang oily ang skin ko. Ilang segundo ang lumipas at dumating na nga si Sir Nico, pagpapasok niya palang sa room ay agad namang nagtilian ang mga kaklase kong babae. Nakow ang haharot ah! Akin yan eh!.

"Good morning everyone" baritonong bati nito samin.

" Good morning sir Adams" bati naman namin pabalik.

Kahit seryoso lagi ang mukha ni sir Nico, di talaga maitatago ang kapogian niya lalo na ngayun. He's wearing a black turn down collar polo with beige trouser, nakatuck in pa kaya ang cool niya talagang tingnan.

Sir Nico is elegant, sabayan pa ng pointed nose na kakasa talaga sa nose challenge sa sobrang tangos ng ilong. Makapal na kilay at mahabang pilik mata, manipis at mapupulang labi, sarap tuloy halikan' two block haircut ang style ng buhok niya, maputi din siya at matangkad. Para tuloy siyang si Xu kai sa FIYS, pero mas pogi pa din si Nico kesa sa kaniya.

"Wag masyadong titigan bakla, baka matunaw yan" napatingin naman ako sa direksiyon ni Princess, at nakita ko ang naglalarong ngisi sa mga labi nito.

Magkatabi kase kami ni Princess sa upuan, kaya kapag si sir Nico na ang nagtuturo panay ang panunukso sakin. At isa yun sa dahilan kong bakit ko siya nagustuhan bilang kaibigan, kapal kaya ng mukha niya, kulang na nga lang siya na umamin kay sir Nico na may gusto ako sa kaniya eh.

Seducing Professor Adams  Where stories live. Discover now