Chapter 3

270 52 0
                                    


"I'm sorry, Miss. Are you okay?"

Antanga naman ng tanong na iyon.

"Ikaw kaya ang batuhin ko ng bola tapos tanungin kita kung masakit ba?" Inis kong wika.

Hindi na siya nagsalita at tinulungan na lang akong tumayo, hindi na rin ako nagreklamo dahil nakaramdam na ako ng hapdi sa tuhod ko. Ano ba 'yan, gusto ko lang naman pumasok ng school ng payapa pero nagkasugat pa. Nakakainis talaga!

"Do you want me to take you to the clinic?" Suhestiyon niya.

"Hindi na kailanga-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ng iangat ko ang tingin sa kaniha, hindi na baleng masugatan panalo naman ako aa kapogian ng lalaking 'to.

Bagong crush na naman ba ito.

" I'm okay, hindi mo na ako kailangang dalhin sa clinic. Wala bang mas malakas bumato sa inyo, para sayo na ako mahulog hindi sa damuhan." Banat ko dito.

Uncrush ko na ba 'yong Prof ko? Kaso mahal na mahal ko 'yon e.

"Are you sure? Your knees are bleeding ."

Concern masyado, baka kiligin na ako niyan.

"It's okay." Nakangiti kong wika.

Nagawa ko pang magpa-cute sa kaniya bago ko mapagtantong late na pala ako, bakit kasi ang bilis ng oras nanlalaki pa ako e. Paano ako magkakajowa nito!
Ngumisi lang ako sa lalaki bago ako kumaripas ng takbo papuntang classroom, si Sir Nico pa naman ang Prof ko ngayon. Ayts! Ang malas!

"Your late, Ms. Maxwell." Bungad nito sa akin.

Kunot-noo akong tiningnan ng Prof ko, hindi ko alam kong hanggard ba o oily ang mukha ko pero hindi 'yon ngayon ang nasa isip ko kundi ang sugat na nasa tuhod ko. Ang hapdi talaga.

Ang ganda rin ng bungad sa akin ni Sir, wala man lang goodmorning as in sermon agad. Ang hapdi na nga ng tuhod ko sumasabay pa siya.

"Sorry po." Nakayuko kong sambit.

Ayaw ko talaga siyang makita ngayon kaya yumuko na lang ako, sa tuwing naalala ko kong gaano katamis ang ngiti niya nong gabing iyon parang tinutusok ang puso ko sa sakit. Bakit kasi hindi na lang ako? Dahil ba sa Professor ko siya at estudyante niya ako? Hays!

"Come in, let's talk about you're punishment later."

Tumango na lang ako at nakayukong naglalakad papuntang upuan, ng ganap na akong makaupo ay agad ko namang itinaas ang palda ko sapat lang para makita 'yong sugat. Hindi naman 'yon kalakihan pero sobrang hapdi.

Tumunog na ng bell kaya natapos na ang discussion ni Sir, nagpaalam na ito sa amin bago nagsilabasan ang mga kaklase ko for break time.

"You, Ms. Maxwell. Follow me in the office." Maawtoridad nitong wika.

Napabuntong-hininga na lang ako at agad na tumayo sa kinauupuan, napangiwi ako bigla ng muling makaramdam ng hapdi sa tuhod ko. Ilang minuto na ang nakakalipas panigurado tuyo na ang dugo no'n. Tiis ganda talaga tayo ngayon.
Nang makarating ko sa labas ng office ni Sir Nico ay kumatok muna ako ng tatlong beses.

"Come in."

Pinihit ko ang door knob para tuluyan ng makapasok sa loob, sakto namang bumungad sa akin si Sir na ngayon ay abala sa pagtitipa ng kaniyang laptop. Walang pinagbago ang office nito, nanatali pa rin itong mabango at malinis aakalain mo talagang babae ang nagmamay-ari nito sa unang pasok mo.

"As you're punishment, you have to clean the C.R." kalmado niyang sambit.

C.R? As in Restroom? Masyado naman ata akong maganda para maglinis ng banyo, ano ng tawag sa akin ngayon niyan, Banyo Queen?

Seducing Professor Adams  Where stories live. Discover now