Chapter 8

231 45 0
                                    

Nang makalapit na ako sa pwesto nila Princess ay saka ko nakumpirmang si Nico nga iyon, akala ko nong una ay namamalik-mata lang ako at hindi ko akalaing nandito na ako ngayon sa harap niya. Mataman kong tiningnan ang maamo nito mukha habang tulog na tulog, walang nagbago siya pa rin 'yong Nico na minahal ko noon.

Habang seryoso lang akong nakatingin sa kaniya ay muling bumalik ang sakit sa puso ko, lalo na 'yong mga masasakit na salitang binitawan niya bago ako umalis.

"Your leaving? Good for you, sana hindi na tayo muling magkita."

Parang sinasaksak ang puso ko habang nagpaflashback sa utak ko ang mga salitang iyon, lahat ginawa ko para lang umiwas pero hindi ko na kasalanan ko muli na naman tayong pinagtatagpo. Napasinghap ako ng makaramdam ng paninikip ng dibdib, huminga muna ako ng malalim bago ko ibinaling ang tingin kay Princess.

"Ano na naman ito, Princess?" Iritable kong wika.

Kakarating ko lang pero sakit agad ng ulo ang binibigay niya sa akin, sobra na 'to!

"Malamang boy's night out, hindi ko naman kasi alam na marami pala silang nainom kaya ayon knock-out."

"Anong balak mong gawin ngayon?" Tanong ko rito.

Napabaling ang tingin ko sa dalawang lalaking nasa harapan ko ngayon, pareho itong lasing na lasing at hindi ko alam kong may balak pa bang umuwi ang mga ito. Agad namang napalipat ang tingin ko sa katabi ni Nicollo, sino naman ito?

"Sino siya?" Nagtataka kong tanong.

"My cousin, si Kuya Dennis. Magkaibigan sila ni Sir Nico since High school and by the way siya 'yong kapatid ng mapapangasawa ng kuya mo."

Dahil nga slow ako ay hindi agad naproseso sa utak ko ang sinabi nito. Well, hindi na rin masama akala ko talaga tatanda ng binata ang kuya ko pero hindi ko alam na magaling pala siyang pumili ng lalaki.

"Bes, iuuwi ko na si Kuya Dennis at ikaw na ang bahala kay Sir Nico? "

Gulat na gulat ang mukha ko dahil sa sinabi ni Princess, seryoso ba siya do'n?

"Nababaliw ka na ba? May girlfriend 'yan, bakit hindi mo siya ipasundo kay Ms. Abby," suhestiyon ko.

Hindi naman ako 'yong nagpakalasing pero bakit ako 'yong namomoblema kong paano siya iuwi ngayon, jusko naman.

"Kung alam ko lang ang number, wala ka ngayon rito." Pagbara nito sa akin.

"Hindi ko alam ang bahay niya,"

"Edi sa hotel mo siya dalhin, basta ikaw na ang bahala sa kaniya."

Napahawak na lang ako sa sintido ko dahil sa inis, puro sakit lang talaga ng ulo ang laging binibigay sa akin ng kaibigan ko, kong alam ko lang na ganito ang mangyayari sana pala hindi na ako umuwi. Umalis na sila Berna at naiwanan naman kami ni Nico, napabaling ang tingin ko sa kaniya na ngayon ay nahihimbing na ang pagtulog.

Dahil nga hindi ko alam ang bahay niya ay nagdesisyon na lang akong dalhin siya sa Hotel, okay na rin iyon kesa iwan ko siya dito. Mamaya baka ano pa mangyari sa kaniya, edi kargo konsensiya ko pa siya.

"Nico? Gising," mahinang usal ko dito.

Marahan kong tinapik ang pisngi nito para magising saka dahan-dahan naman nitong iminulat ang mga mata.

"Who are you?" Kunot-noo niyang tanong.

Hindi ko na siya sinagot at agad ko na siyang pinatayo, sa loob ng dalawang taon ay walang nagbago sa kaniya.

Nanatili pa ring matikas ang pangangatawan nito at malakas pa din ang karisma para ngang hindi siya tumatanda e.

Inilagay ko ang kanang braso nito sa balikat ko saka ko naman hinawakan ang bewang niya para maalalayan ko siya ng maayos, hindi simple 'tong ginagawa ko lalo na't may kabigatan siya ng kaunti at hindi ko din alam kong hanggang saan ang kaya para maalalayan siya baka kasi mamaya pareho kaming matumba.

Seducing Professor Adams  Where stories live. Discover now