Chapter 18

226 42 0
                                    

Maaga akong umalis ng bahay para tumambay sa condo ni Princess, nakakabagot naman kasi kong sa bahay lang ako buong maghapon. Nagpaalam na din naman ako kay Nico at buti na lang ay pumayag siya.

"Ninang ako, Devine ha." Pangongotrata agad nito.

Kanina pa siya nangungulit na maging ninang kahit na paulit-ulit ko ng sinasagot ng oo. Ewan ko ba sa baklang 'to, iba ata trip nito eh.

"Ang kulit mo, Princess. Baka mamaya mainis na ako at gawin ka na lang na Ninong,"

Tumaas ang kilay nito saka naman siya nag-pose sa harap ko at ipinagmamalaki ang bagong dress na binili nito. Kulay red iyon at halatang mamahalin,

"Ninong? Sa ganitong postora?" Pagtataray nito.

"Damit lang ang nag-iba pero lalaki ka pa rin."

Nag-iba na ang reaksiyon ng mukha nito at mukha ngang napikon na, ayan nagsisimula kasi eh. Hindi talaga ako makapaniwalang sobrang bilis ng araw, kamakailan lang ay anim na buwan akong buntis pero ngayon ay walong buwan na.

"Hindi ba pwedeng ma-excite akong makita ang inaanak ko," sambit nito.

Marahan kong hinaplos ang maumbok na tiyan saka ngumiti, kahit ako ay na-eexcite din sa paglabas ng baby ko pero hanggang ngayon ay wala pa kaming naiisip ni Nico na pwedeng ipangalan sa kaniya.

"So, kamusta kayo?" Biglang tanong nito.

Nakataas ang dalawa kong kilay na tiningnan si Princess.

"Bakit mo naitanong?"

Maayos naman ang naging pagsasama namin ni Nico, simula nong umuwi kami galing sa Mall ay napapansin kong may nahahalata na ito sa akin.  Ayaw kong malaman niya ang totoo pero binigyan ko lang siya ng senyales para maging handa siya sa kong ano man ang possibleng mangyari.

"Abay malamang, don't tell me lagi pa rin kayong nag-aaway."

Sumimangot ako. " Ayos lang naman kami, naging mas maalaga siya sa akin pero hindi ko masasabi kong totoo ba lahat 'yon o peke."

Ewan ko rin ba sa sarili ko, parang hirap akong paniwalaan kong totoong bumabawi na ba talaga siya sa amin. Minsan niya ng sinabi iyon pero hanggang salita na lang lahat kaya hindi ko mapigilang mag-isip ng kong ano.

"Malapit ka ng manganak, baka kapag nakalabas na 'yong anak niyo eh maging aso't pusa pa rin kayo."

Umiling na lang ako saka nangalumbaba, kong totoo man lahat ng ipinapakitang kabutihan ni Nicollo ay naappreciate ko. Sana nga totoo na 'tong pagbawi niya sa amin.

"May chika talaga ako sayo, Sis."

Heto na naman 'yong pagiging chismosa era niya, minsan mahirap maniwala kay Berna. Sa mukha pa lang aakalain mo ng sinungaling eh.

"Ano na naman 'yang chismis mo? Pagdating sa ganiyan lagi kang active. " Natatawa kong sambit.

"Grabe ka sa akin ha, ganito kasi 'yon sis. Alam mo ba si Ms. Abby nagtangkang magpakamatay,"

Bakas sa mukha ko ang gulat dahil sa tinuran nito, hindi ko alam kong maniniwala ba ako sa kaibigan kong ito. Bakit naman gagawin ni Ms. Abby ang gano'ng bagay?

"Ano namang dahilan niya para gawin 'yon? Magtigil ka nga Princess, nagiging reyna ka na ng mga mosang sa kanto."  Ani ko.

"Kong ayaw mo maniwala 'di huwag mo. Kaya lang naman niya ginawa iyon dahil kay Sir Nico, 'yong asawa mo. Balak niyang makipagbalikan pero paulit-ulit lang siya nitong pinagtatabuyan, ang sakit kaya ng ginawa niya at kung ako si Sir Nico gano'n din ang gagawin ko."

Seducing Professor Adams  Where stories live. Discover now