Chapter 7

230 46 0
                                    

I watched silently in the car window as we drove ang daan papuntang NAIA, sa sobrang bilis ng paglipas ng araw 'di ko inaakalang ngayon na pala ang alis ko.

Only Princess drove me dahil biglang nagkaroon ng emergency meeting si kuya Clifford at naiintindihan ko iyon. Hindi ko alam kong ano ba dapat ang maramdaman ko nong mga oras na iyon, dapat ba akong maging masaya dahil makakalimutan ko na si Sir Nico pero ang tanong makakaya ko kaya?

Natigil ako sa pagmuni-muni ng makarating na kami sa Airport, ibinababa na lahat ni Berna ang mga gamit ko bago ako nito mahigpit na niyakap.

"Devine? Sigurado ka na rito? Pwede ka pang magback-out," nalulungkot niyang wika.

Gusto ko ng maiyak no'n pero pinipigilan ko lang, eto na 'yong naging desisyon ko kaya ang dapat ko na lang gawin ay ang panindigan ito.

"Sure ako rito, saka babalik pa naman ako e."

Masakit man ang dibdib pero nagawa ko pa ring ngumiti, hindi na daw ako ihahatid ni Princess sa loob dahil baka daw maiyak lang siya, napakadrama kasi ng baklang 'to.

Tuluyan na akong nagpaalam sa kaibigan bago nagdesisyong pumasok na sa loob.

Habang naglalakad sa loob ng Airport ay sandali akong napahinto para kunin ang cellphone na nasa bulsa ko, hindi ko alam kong tama ito pero isa-isa kong dinelete lahat ng social media accounts ko.

I want to start now ng panibagong yugto ng buhay ko at bago ko gawin 'yon, buburahin ko muna si Sir Nico sa buhay ko.

May natutunan naman akong aral sa naging buhay ko dito sa Pilipinas, huwag mong ibuhos lahat ng pagmamahal na mayroon ka at matuto kang magtira sa sarili.

Ika nga nila love youself muna bago ang iba, sa tingin ko ay dapat ko ng isara ang pahina na mayroon kaming dalawa at muling gumawa ng bagong kabanata na hindi na siya kasama.

Hila-hila ang maleta ay nakangiti akong naglalakad papunta sa panibagong ako.

~MONTANA, USA~
(5 years ago)

"Badtrip! Talo na naman." Inis kong wika sa sarili at pabalang na tinapon ang cellphone sa sofa.

"Sabi kasi sayo Pumpkin, matatalo ka lang. Pinagbibigyan na nga kita para manalo kaso napakahina mo." Pang-aasar ni Kuya Premo.

How can I not lose when he has been cheating on me, he still laughed while holding his hand on his stomach.

Paborito naming laruin ni Kuya Aaron ang The Legend of Never Land at lagi niya ako doong dinudurog kapag hinahamon ko siya ng 1v1.

"Ang daya mo," pagmamaktol ko.

Asar tawa lang ang ginawa nito kaya nong napikon na ako ay binato ko ito ng tsinelas. Bwisit!

Sa loob ng limang taon ay naging maganda ang buhay ko dito sa US, nong una nahirapan akong mag-adjust lalo na sa pakikisalamuha sa ibang tao at buwan din ang lumipas bago ko ito kinasanayan.

Nakatapos ako sa kursong Hospitality Management pero dahil nga pinapairal ko na naman ang katamaran ay naging tambay lang ako dito sa bahay.

Kung hindi niyo naitanong si Kuya Premo ang panganay, he is the twin of my brother Clifford at nauna siyang lumabas kaysa ni kuya Clifford Jake kaya s'ya Yung mas matanda sa'min, pareho rin siyang professional engineer kaya kahit maging pambasang tambay lang ako dito sa bahay ay supurtado niya kami.

"Madaya ka diyan, mahina ka lang talaga. Saka ang sakit no'n." Pagtukoy nito sa pagbato ko sa kaniya ng tsinelas.

Sumimangot na lang ako habang napakamot naman siya ng ulo, totoo namang madaya siya e. Napaka sinungaling talaga.

Seducing Professor Adams  Where stories live. Discover now