Chapter 19

244 43 0
                                    

NICO POV

"Ma, huwag niyo po akong iiwan."

I was 10 years old when my mother left us, sumama siya sa ibang lalaki at mas piniling iwan kami ni papa. That time, ilang beses akong nagmakaawa sa kaniya na huwag kaming iwan pero mas nanaig ang pagmamahal nito sa lalaki.

Nong mga panahon na 'yon nagdurusa si Papa sa sakit at wala man lang akong magawa para pagaanin ang bigat na pinapasan nito.

Nalulong si Papa sa bisyo at sugal kaya nong pagtungtong ko ng 13 years old ay namatay siya sa sakit na blood cancer. Sobrang hirap na hirap ako no'n hindi ko alam kong saan ako kukuha ng lakas ng loob para bumangon lalo na't simula nong iwan kami mama ay hindi na ito nagparamdam pa.

Sa kabila ng naging hamon ko sa buhay ay mas pinili kong lumaban at magpakatatag, naging madiskarte ako at lahat ng trabaho ay nagawa kong pasukin matakasan lang ang kahirapan.

Years passed.... Isa na akong ganap na Professor sa isang sikat na University dito sa Pilipinas at lahat ng iyon ay katas ng paghihirap ko. Kong nasaan man si papa ngayon ay alam kong proud na proud siya sa kong ano man ang narating ko. Naging payapa at tahimik ang buhay ko sa East University not until I meet Devine Shane Maxwell.

Sa unang tingin ay mapapansin mong isang siyang 3rd year College spoiled brat at lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. Lagi siyang inaasar sa akin ng kaibigan niyang bakla pero hindi ko iyon sineseryoso lalo na't isa siya sa mga estudyante ko at baka nagbibiruan lang.

"Take this away." Maawtoridad kong utos.

Tuwing papasok ako lagi sa Office ay mayroon doong tumpok na mga rosas na nakalagay sa itaas ng table ko, wala na akong ibang ineexpect na gagawa no'n kundi ang magaling kong estudyante na si Divine Shane. This girl is really annoying!

I was in the bar with my friends, Jason and Premo. Simula kasi nong mag-graduate kami sa College ay hindi na kami nagkita-kita at ngayon na lang ulit 'yon, kinukulit ako ng mga ito na eh date ko daw si Abby pero paulit-ulit ko iyong tinatanggihan. Abby Ocampo is my co-professor sa EU at school mate din namin siya nong college kaya hindi na rin siya bago sa amin.

I admit maganda siya at halos lahat ng kalalakihan dati ay natitipuhan ang kagaya niyang mala-anghel sa ganda but not me. Hindi ko rin alam basta hindi ko siya type.

Like what I've said before magmamahal lang ako ng isang babaeng karapat-dapat para sa akin but I guess hindi si Abby 'yon.

Madami na rin kaming nainom at nakakaramdam na ako ng hilo kaya naisipan na naming umuwi na, nauna na sila Premo na lumabas at nag-paiwan naman ako para magbayad ng bill namin.

Palabas na ako ng bar ng makakita ako ng isang pamilyar na imahe ng babae, It was Devine at mukhang lasing na lasing na ito. Napailing na lang ako habang seryosong nakatitig sa kaniya, this girl is very irresponsible to herself.

Napapalibutan na kasi ito ng mga kalalakihan pero wala man lang siyang pakialam. Hindi ko na sana iyon papansinin pero nahagip agad ng dalawa kong mata kong paano nito tinanggal ang lace ng kaniyang damit.

Lumuwag iyon dahilan para makita ang suot niyang bra pati na rin ang pisngi ng malulusog nitong hinaharap. I don't care about other businesses but when it comes to Divine hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng pag-aalala.

Tuwing gabi ay nanaginip ako ng isang babaeng laging nakangiti sa akin, ang kaso nga lang ay hindi ko makita ang mukha nito.

During a Valentine's Day, I wrote a confession about the girl in my dreams. Hindi ko naman mapigilan ang sariling mapangiti sa tuwing iniisip ko ang mga ngiti nito sa akin, I wish na nag-eexist ang babaeng iyon kahit na hindi ko alam kong sino siya.

Seducing Professor Adams  Where stories live. Discover now