May 23, 2015 | 2:10PM
Never thought I'd be able to write an update for this story, ever again. Sorry kung ang tagal ng UDs, whoever's reading this. This is just a short one. I promise a better update next time.
PS. Hindi ko rin inakala na aabot sa CH. 17 and kwento na 'to.
___________
seventeen | paul
Abala ako sa paglilinis ng kotse ng isang kliyente ni Kuya Mark nang may pumaradang pick-up sa tapat ng garahe ng shop namin. Two familiar faces went down from the vehicle and walked towards our shop.
Malayo pa man, namukhaan ko na 'yung babae. She was smiling from ear to ear hangga't sa makalapit siya sa bukana ng garahe. Her features haven't changed at all, kahit na limang taon na 'yung lumipas simula no'ng huli ko siyang makita. I remember the time I was admiring her for being so flawless just by looking at her smiling eyes.
Isang mas pamilyar na mukha ang nakasunod sa kaniya. Like her, he was smiling at me, too. I can never really forget his face. Minsan nang dumapo ang kamao ko sa mukha niya dahil sa panggagago niya kay Lira noon. He was my friend but really, Lira mattered to me more than anything or anyone else even then. At nang maalala ko 'yung ginawa ko noong huli naming pagkikita, napahiya akong muli sa sarili ko.
I could just laugh at myself for being cluelessly stupid.
Tumayo ako ng diretso at nagpunas ng mga kamay na bahagyang nadumihan dala ng pagpupunas no'ng mga bintana ng kotse.
"Christopher! It's been a long time!" masiglang bati niya nang makalapit sa akin. Hindi siya nag-atubili na yakapin ako at halikan sa pisngi kahit na nasa likod niya lang ang asawa niya.
"Jasmine." Gumanti ako ng yakap ngunit agad ding lumayo at nag-offer ng kamay sa kasama niya. "Nico... pare."
Halatang nabigla si Nico sa tinuran ko pero agad ding nakabawi at tinanggap 'yung nakalahad kong kamay. "Pare."
"Sorry hindi kami nakadalo sa kasal niyo."
"It's okay," sagot ni Nico. "Hindi ko rin naman gugustuhin na maglaway ka sa bride ko."
"Gago." I laughed and landed a friendly punch on his arm. "Kamusta?"
"Kayo talagang dalawa. Okay kami. Ikaw?" Ang nakangiti pa ring si Jasmine ang sumagot. "College pa kita huling nakita, ah? I see you already fulfilled your dream." Inilibot niya ang paningin sa buong shop.
Ngumisi ako. "Oo nga. And I see you already fulfilled yours." Makahulugan akong ngumiti sa kaniya.
Napadako ang tingin niya sa asawa at bahagyang pumula ang kaniyang pisngi.
Napansin 'yun kaagad ni Nico. "'Wag mong sabihing noon pa ay pangarap mo na ako, Jas?"
"Heh! Yabang mo!" nahihiyang saway niya sa asawa saka bumaling sa akin. "Dapat kasi hindi mo na sinabi. Hindi ako tatantanan ng isang 'to hangga't hindi ako umaamin."
Napahalakhak ako. "I didn't know. I'm sorry."
"'Wag mong ibahin ang usapan. Noon pa, pangarap mo na 'ko?" muling pang-aasar ni Nico sabay yakap sa asawa niyang lalong namula ang pisngi.
"Stop it, Nico!" palo niya sa braso nito.
"What? Wala naman akong sinabi, ah?"
Natatawang nagtungo ako sa kabilang dako no'ng sasakyang nililinisan ko. Matagal nang gusto ni Jasmine si Nico. Even before he courted Lira, may gusto sa siya rito. Nalaman ko 'yun sa kaniya mismo nang ligawan ko siya. She admitted she loved somebody else and it was Nico, kaya hindi niya ako magawang gustuhin.
BINABASA MO ANG
Fall
Romance~ON-GOING~ When can you exactly say that it's the right time for you to fall in love, and the person in front of you is the one you were meant to love for the rest of your life? Just when is the perfect time to fall, or the perfect reason to catch s...