five

247 18 9
                                    

five | lira

I got up from where I sat at mabilis na naglakad pabalik sa room, feeling a little flustered. Paul could not be serious. Of course, he was just playing with me pero heto ako at halos kumawala na sa dibdib ko 'yung puso ko. He can't be throwing statements like that. He just can't.

"Lira Charmaine!" narinig kong pagtawag niya. Naramdaman ko na lang na nakahawak na siya sa braso ko. Hinila niya ako paharap sa kaniya. "Why are you walking out?" His eyes were focused on mine and I could really melt right there and then dahil sa pagkakatitig niya, if only I wasn't slightly pissed.

I tried to calm myself before responding para hindi kami magkainisan. Paul was usually like this, dapat sanay na ako. "I'm just tired and I want to sleep," I lied.

"Hindi ba natin pag-uusapan 'yung kanina? I know you want an explanation and I can explain—"

Bago pa siya makapagpatuloy, pinutol ko na 'yung mga sasabihin niya. "What are you saying, Christopher Paul? Tumigil ka nga. Hindi nakakatuwa 'yang mga biro mo, e."

"Hindi ako nagbibiro. What if all along it has always been me and you?"

Napasapo ako sa ulo ko. "My goodness, Paul. Pakinggan mo nga 'yang sarili mo. Ano ka ba? May girlfriend kang tao. At best friend mo ako. Aren't those enough reasons para kilabutan ka. God!" Nagpatuloy ako sa paglalakad. Naramdaman ko naman na nakasunod siya sa'kin. Isang pilit niya pa talaga, uuwi akong mag-isa kahit gabing gabi na.

Nakakapanibago si Paul. Lately he's been so sweet na maging si Mama pinu-push nang may something kami. I was not very comfortable with the idea. May girlfriend siya at si Celine 'yung mahal niya. Ayaw ko ring hayaang umasa ako.

Ayoko nang mangyari ulit 'yung pinagdaanan ko no'ng High School.

I almost fell for him. I admit, liking Paul was a thrill and a challenge. Dahil na rin close kami, feeling ko ako 'yung pinaka-special sa lahat ng babae sa school namin. But when I realized he was sweet and caring because I was his best friend and nothing more, itinigil ko 'yung pagkagusto sa kaniya. Buti naagapan ko 'yung puso ko. I could have been hurt so badly kung hinayaan kong ma-in love ako nang tuluyan sa kaniya. Alam ko kasi na kaibigan lang 'yung tingin niya sa'kin. And I could be hurt as much this time. We've always been the best of friends at ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin just because of some assumed feelings.

"Lira..." he called out once again, holding my arm and making me face him slowly. "I'm sorry, okay? 'Wag ka nang magalit." Napakaamo ng mukha niya habang nagsasalita. Like how he usually affects me, heto at agad na nagbago 'yung emosyon ko.

Hindi ko pinatagal 'yung pagtitig sa mukha niya at nagbawi ako ng tingin. "Kasi naman Paul..." pabuntong-hininga na turan ko.

"Oo na nga, 'di ba? Sorry na nga." He cupped my chin with his hand kaya napilitan akong tumingin sa kaniya. "Please don't get mad at me." Ugh, those puppy eyes of his!

At dahil babae lang ako, at napakagwapo ng best friend ko, anumang pigil ko sa puso ko na 'wag mag-react, wala, talo pa rin. Nakakainis kapag ganito. Kung pwede lang kontrolin ang puso, e. "I won't, alright? I'm not mad. Just... stop with those games of yours," I told him in a cold voice I tried so hard to achieve. "Hindi na tayo High School, Paul."

He nodded. "Sorry ulit. Pahinga ka na."

"Ikaw rin," tipid kong sagot.

But then, bago pa ako nakatalikod, hinawakan niya ako sa likod ng ulo at dinampian ng halik ang noo ko. "Good night, Lee."

********

I woke up a little early the following morning. Hindi rin naman ako pinatulog ng isip ko. Kung ano ano kasi'ng pumasok sa sistema ko kaya kung saan saan na naman napunta 'yung utak ko.

FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon