sixteen

90 5 0
                                    

sixteen | lira

Kaharap na namin ngayon ang mga pamilya namin. On my left, Mama, Papa, Trish and Sam were seated. Si Trish, tahimik lang na nagmamasid sa aming lahat, habang si Sam ay nakuntento na sa paglalaro ng Ben 10 niyang laruan. On Paul's right, nakaupo naman sina Tita Amelia at Tito Danny, Kuya Mark and Ate Sheila, and Kuya Ken and Ate Belle. It's already happening. I couldn't believe it's already happening! 

Pangalawang linggo na ng January. Isang buwan pa lang kami ni Paul yet here we are, already engaged. At naandito na sa bahay namin ang buong pamilya nila to ask for my hand from my parents for marriage. It's too much to take in, honestly speaking. It's overwhelming and really nerve-wracking. But I am also too excited, too happy.

Kakaibang kaba ang naramdaman ko. Ito 'yung unang pagkakataon na nagkaharap ang mga pamilya namin. Well, at least after the big news.

We planned on keeping it a secret at first. Pero dahil agad na nalaman nina Tita Amelia 'yung naging pag-uusap namin ni Paul that Christmas Eve, accidentally ay naibalita niya sa mga magulang ko the following day.

Papa couldn't believe it at first. Si Paul mismo 'yung nag-explain, pero sa pagkabigla niya, hindi siya kaagad umimik. Nagtampo siya nang malaman kung ano 'yung nangyari and I understood him. I made a promise to him and it made me guilty that I had already broken my promise that instant.

Akala ko maiintindihan niya rin. But when he remained silent until the next day, nag-alala na ako. Kinausap niya lang ako noong papasok na 'yung bagong taon.

"Masaya ako para sa inyo, Anak. Believe me, I am the happiest father right now. Pero hindi ba kayo nadadalian sa mga desisyon niyo?" he asked, quite disbelieving. Magkatabi sila ni Mama sa sofa at mataman akong tiningnan.

Si Mama na ang nagpatuloy. "Anak, all we want is the best for you. Gusto naming masaya ka. Sana lang, hindi kayo magmadali." Sumulyap siya kay Papa to ask for permission to continue. When Papa nodded, she looked at me again. "Hindi kami kontra ng Papa mo sa plano niyo ni Paul. Alam namin kung anong klaseng tao 'yung batang 'yun. You basically grew up together at alam namin na maganda ang intensyon niya sa'yo. We just want you to take things slow."

"Anak..." muling sabi ni Papa as he motioned forward towards me. "Parati mo lang tandaan na na'ndito kami ng Mama mo to support you." Ngumiti si Papa kaya kahit papaano ay naibsan 'yung kaba na naramdaman ko.

All I could do was nod repeatedly and hug the both of them saying, "Thank you po. I love you."

Kahit na medyo mahirap pang tanggapin sa parte nila na anytime soon, kakailanganin kong bumukod, alam kong sinusubukan nilang maging understanding at supportive sa bawat desisyon na ginagawa ko.

Paul pressed my palm gently, sending me a message to relax. So, I tried to breathe and calm down. Sinulyapan ko si Papa na bahagyang natulala sa kawalan habang si Mama, nakakapit ang kamay sa braso niya. Kahit panandalian lang na natahimik ang mga magulang namin, nabalot pa rin ako ng hindi maipaliwanag na pakiramdam.

Narinig ko ang pagtikhim ni Paul at ang maingat niyang paghaplos sa palad ko. "Tito, Tita... alam ko po na nabibigla pa rin kayo. Maging ako po ay hindi makapaniwala na ganito kabilis ang mga pangyayari." Bahagya siyang ngumiti, halatang kinakabahan. Nakatuon ang tingin niya sa mga magulang ko. "Pero sana po maniwala kayo na wala po akong ibang intensyon kung hindi ang alagaan at mahalin ang anak niyo."

Nag-angat ng tingin si Papa at sumulyap kay Paul pero hindi siya nagsalita. Si Mama, ngumiti lang pero tahimik din at nag-aantay lang ng sasabihin ni Papa.

"Hindi naman nagmamadali ang mga bata, Lina, Samuel," dugtong ni Tito Danny. "Hindi rin kami nagmamadali. We can take all the time we need. They just need assurance na okay sa ating lahat ang desisyon nila."

FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon