fourteen | lira
Kumukuha ako ng carbonara sa hapag-kainan nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Nang makita ko na si Paul 'yung tumatawag, agad ko 'yung sinagot. Why must he be calling at this hour? Ang alam ko ay nagsi-celebrate sila ng family nila. It's just past 12 at kakasimula rin lang naming mag-Noche Buena. Bigla-bigla na lang tumawag ang isang 'to.
"Hello? Paul?"
"Hi, Lee," he answered, with a smile I assumed. "Naabala ba kita?"
Kumunot ang noo ko but I smiled. "No, of course not. Bakit, may problema ba? Are you okay?" I asked. He has not greeted me yet, pero okay lang. 'Di ko pa rin naman siya nababati. Maybe a little later.
He chuckled, saying, "I am. Just hearing your voice makes me really happy." That made me smile all the more. He really does know how to make me smile. But then, he sighed. "Lee... pwede ba kitang sunduin diyan sa inyo?"
Bigla akong kinabahan. I looked at Mama and Papa and excused myself from the table. I hurried outside para marinig nang mas maayos si Paul sa kabilang liniya. He sounded anxious and it's making me nervous too. Dumagdag pa ang malakas na ihip ng hangin. I'm suddenly having chills down my spine.
"It's not really something to be nervous about," he said after not hearing a response from me. "Lee?"
"Ano'ng problema, Paul?"
"Malapit na ako sa bahay niyo. I'll fetch you, okay? Ipagpapaalam na rin kita kanila Tita. Don't worry too much, Lee. See you in a few."
Before I could even react, in-end na niya 'yung call. Wait, he was driving while talking to me on the phone? Makukurot ko talaga ang lalaking 'yun. He's making me worried. Pumasok ako sa bahay na balisa.
"Lira, Anak, si Paul 'yun, hindi ba? Bakit daw?" tanong ni Papa nang makaupo akong muli.
Umiling ako at pilit na ngumiti. Sasagot na sana ako nang marinig ko ang pamilyar na busina galing sa labas. Tumayo si Trisha at tiningnan kung sino 'yung dumating.
"Ate, si Kuya Paul."
Nag-angat ako ng tingin at nakita ang mukha niya habang papasok siya ng pintuan. Halong hiya at kaba ang nakikita ko sa mukha niya. But he was smiling and he looked so handsome still.
"Kuya Paul!" Sam ran towards him and embraced his legs. Agad namang binuhat ni Paul ang kapatid ko at idinuyan duyan ito. Tuwang tuwa si Sam. Maging sila Mama ay napangiti sa ginawa ni Paul. Pero hindi ko magawang tumawa dahil sa itinawag niya na hindi ko pa rin alam kung ano.
"Ang bigat mo na talaga, Sam! Ang dami mo sigurong nakain, 'no?" biro niya sa kapatid ko bago niya ito ibinaba. Ginulo pa niya ang buhok ni Sam.
"Ang sarap po ng luto nila Mama at Papa. Pati luto ni Ate Lira, masarap!" tuwang-tuwang sagot ni Sam. "Halika, Kuya. Kain ka dito!" Hinila niya sa kamay ang Kuya Paul niya patungo sa mesa. Napakamot na lang siya sa ulo dahil hindi niya matanggihan 'yung bata.
Agad siyang pinaupo nina Mama sa tabi ko. Hindi ako umiimik dahil kinakabahan ako. He poked my arm and I instantly shifted my gaze onto him. He was smiling at me yet again. His eyes were sparkling like the usual, and for a moment, mas nabigyan ng ganda ang kislap ng mga Christmas lights na nakapalibot sa bahay namin. And his dimples were showing off again.
"I told you not to worry too much," he whispered low enough para ako lang ang makarinig. "Everything's fine, Lee."
Mas sumimangot ako dahil lumawak 'yung ngiti niya. Sana kasi hindi siya tumawag nang gano'n ang tono niya para hindi ako nagwo-worry. He knows how much of a worrier I am.
BINABASA MO ANG
Fall
Romance~ON-GOING~ When can you exactly say that it's the right time for you to fall in love, and the person in front of you is the one you were meant to love for the rest of your life? Just when is the perfect time to fall, or the perfect reason to catch s...