two

279 17 8
                                    

two | lira

Isang araw, may nadatnan akong teddy bear sa upuan ko. May note na nakapaipit sa bear. Nakasulat doon:

"Para sa babae na nagpapangiti sa'kin nang walang ka-effort-effort. Happy birthday, Lira. I love you.

From: Your best-est friend and most gwapo na seatmate.:*"

Pagkabasa ko no'n, agad ko siyang tiningnan. Aba, abot-tenga 'yung ngiti.

"Ano 'to, Paul?"

"Anong ano?" nakangisi niyang tanong.

Tumaas 'yung kilay ko.

"Magtataray ka na agad? Grabe naman, Lee." Lee. 'yun na 'yung tawag niya sa'kin simula second year. "Gusto lang naman kitang i-greet."

"Bukas pa ang birthday ko," sagot ko nang hindi nagpapakita ng emosyon. I grabbed the teddy bear at umupo sa upuan ko.

"Exactly! Bukas pa. At bukas ka babatiin ng karamihan."

Napatingin ako ulit sa kaniya.

"I wanted to be the first to greet you," patuloy niya sabay kindat.

'Yung mga classmates tuloy namin na nandoon na sa loob ng classroom, 'di mapigilang maghiyawan dahil sa inaakto ni Paul.

Naramdaman kong namula 'yung pisngi ko. Ngiting-ngiti pa rin siya. Sakto naman na dumating na 'yung teacher namin at nagsimula na ang lesson.

No'ng pauwi na kami, hinatid niya ako sa bahay. Diri-diretso siya sa loob palibhasa kilala na siya nila Mama. Nakikain na rin siya ng dinner.

"Umuwi ka na nga, Paul. Baka mapagalitan ka na nila Tita," taboy ko sa kaniya. Paano, nakikinood pa ng TV kasama si Papa.

"Ay, pinapauwi mo na ako?" kunwari ay malungkot na tanong niya. Nag-pout pa siya.

Namaywang ako. "May bahay at mga magulang ka rin, Christopher Paul. Umuwi ka na."

Tumayo siya at lumapit sa'kin. "Okay po, Lira Charmaine. Uuwi na po." He said those words while staring straight into my eyes. Ilang segundo rin siyang nakatitig sa'kin, habang ako, hindi halos makahinga sa lapit ng mukha niya sa mukha ko. Siya 'yung unang bumawi ng tingin. "Hatid mo na 'ko sa labas," sabi niya saka ngumiti.

Hinatid ko naman siya hanggang sa gate.

"Good night, Lee," he said.

"Good night, Paul. Diretso uwi na, ha? 'Wag nang pumunta kung saan saan," bilin ko.

Sumaludo siya at sinabing, "Yes, Ma'am!" sabay tawa. 'Tapos lumapit siya ulit sa'kin at ipinatong 'yung mga kamay sa balikat ko. "Happy birthday, Lira." He looked at me straight in the eyes again. "I love you." And he was so serious I wanted to believe him already.

Those words were also written sa binigay niyang teddy bear, but they sounded different. Parang... iba. Pero hindi ako pwedeng mag-assume. Best friend lang ako ni Paul.

I was waiting for him to start laughing, to do anything. Pero wala.

Inalis ko sa pagkakapatong sa balikat ko 'yung mga kamay niya. "Oo na, Paul. Uwi na." 'Yun na lang sinabi ko. Ang lakas na ng tibok ng puso ko. Bakit ba niya 'yun sinabi? Tsaka bukas pa talaga ang birthday ko.

He smiled. "Okay, good night."

"Ingat," pahabol ko at pumasok na rin sa bahay nang makalayo na siya.

FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon