seven | lira
"Mama... pwede ba akong pumasok?" Dahan-dahan akong sumilip sa loob ng kwarto ni Mama. "'Ma?" Kakauwi lang ni Mama galing doon sa isa na naman nilang out-of-town business deal kahapon. Gusto ko lang din siyang makamusta.
"Pasok ka, Ate!" narinig kong sabi ni Trish.
"Halika, Anak."
Nakangiting bumungad ako mula sa labas. "Naunahan na pala ako ng makukulit na mga batang 'to." Lumapit ako sa kanila at umakyat sa kama ni Mama. "Ano'ng ginagawa ng mga ito dito, 'Ma?" Ginulo ko 'yung buhok ni Sam at hinalikan siya sa noo.
Yumakap naman sa'kin 'yung bata. "Na-miss kasi namin si Mama, Ate."
"Ako ba hindi niyo na-miss? Ha, hindi niyo ko na-miss?" Kiniliti ko siya sa tagiliran kaya nagsisigaw siya.
"Syempre oo, Ate. Ang busy mo kasi lately," sagot ni Trish.
"Kailangan magtrabaho, Trish," sabi ko naman. "Sayang ng pinagpaguran ko sa shop at sa capital na hiniram ko kanila Mama kung pababayaan ko 'yung trabaho ko."
Nakangiti lang sa amin si Mama habang kumukuha ng extrang unan at kumot sa cabinet.
"Nasa'n po pala si Papa, 'Ma?" tumayo ako at tinulungan siya. "Bakit hindi niyo siya kasamang umuwi?"
"May tatapusin pa siya, Anak. Uuwi rin siya pagkatapos no'ng deal niya sa kumpare namin."
Inayos ko sa higaan 'yung mga unan. Na-miss ko rin 'yung ganito, 'yung dito kami maiipon sa kwarto nila Mama. Sayang nga at wala pa si Papa.
"Ikaw, Ate, kamusta sa work?" Nabaling ulit ang atensyon ko kay Trish na nakaupo sa paanan ng kama. "Mukhang madami kayong inaasikaso ngayon, ah?"
"Sinabi mo pa." Lumapit ako sa kaniya. "Ano 'tong binabasa mo?" Kinuha ko 'yung libro na hawak niya. "Time Traveller's Wife?"
"Opo, ipinahiram no'ng kaibigan ko. Maganda raw e, kaya binabasa ko. Wala pa nga ako sa kalahati nitong libro." Ibinaba niya 'yun sa sahig.
Napatango ako at umakyat muli sa kama. Naupo na rin si Mama at sumandal sa headrest. Tumabi ako sa kaniya. Pumagitna sa amin si Sam, sa kabila ko naman si Trish. "Medyo busy nga si Ate lately, hindi ko na alam na mahilig ka na rin pala magbasa ng libro," amin ko sa kaniya.
"May crush na nga rin 'yan si Ate Trish, Ate Lira," singit ni Sam na agad nagtago sa ilalim ng kumot nang napabangon si Trish.
"Ang ingay-ingay mo talaga, Sam!" reklamo ni Trisha pero wala na rin siyang nagawa.
"Sino naman ang crush ni Ate Trisha mo, Sam? Dali, ibulong mo kay Ate," pangungutya ko pa.
"Ate naman, e!"
Natawa na lang ako sa kapatid ko. Pulang pula na 'yung mukha niya. Then, I suddenly felt my Mom's hand on mine. "'Ma?"
She smiled a soft smile. "Kamusta ka, Anak? Si Paul? Kamusta kayo?"
Upon hearing his name from my Mom's mouth, my heart pounded right away. And I felt guilty again. Hindi ko pa nasasabi sa kanila 'yung nangyari. Kami pa lang ni Paul ang may alam, and it's been over 3 days. Nahihiya kasi ako kay Mama.
"Kayo na ba?" biglang sumigla 'yung tono ng boses niya, as if she was really praying for it to happen.
Napatingin naman sa'kin si Trish. "Kayo na ni Kuya Paul, Ate?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Maging si Sam, nakiusyoso na. "I like Kuya Paul for you, Ate Lira."
I smiled at my siblings, saka ako tumingin kay Mama at nahihiyang marahan na tumango. Hindi ko na rin naman maitatago sa kanila. I have to face the truth and I want them to be a part of the happiness I'm feeling now that Paul and I are... finally together.
BINABASA MO ANG
Fall
Romance~ON-GOING~ When can you exactly say that it's the right time for you to fall in love, and the person in front of you is the one you were meant to love for the rest of your life? Just when is the perfect time to fall, or the perfect reason to catch s...