ten

148 11 3
                                    

ten | paul

"Babe—" she was reaching her hand to me pero agad akong umiwas. "What's wrong, Paul?"

Hinarap ko siya at tumingin nang diretso sa mukha niya. "What's wrong with you, Celine? Why did you do that?" nagtitimping tanong ko sa kaniya. What she did really surprised me kaya hindi ko rin mapigilang magalit. Alam kong brat si Celine but I never expected her to be that rude.

"Nothing." Her face was expressionless. "I just wanted to meet her in person. May masama ba do'n?" She was in her so-full-of-herself self again, na para bang wala lang sa kaniya 'yung nangyaring pagpapahiya niya kay Lira.

Napahilamos ako sa mukha ko. "You humiliated her in her own office, Celine! Now you're going to ask me kung ano'ng masama do'n?" I was getting so upset. Gusto ko na lang umalis at sundan si Lira. I want to ask for forgiveness sa pagpunta ni Celine at sa hindi ko agad pagdating. Gusto ko siyang i-comfort at i-assure. I hate seeing her hurt and crying. Pero hindi ako makaalis kaagad. I need no confront Celine first.

"Did I, Paul?" nakataas na ang kilay na sagot niya. "Pinahiya ko ba siya o sadyang nakakahiya siya para sa'yo?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. I couldn't believe what she just said. I tried to calm myself, dahil hindi ko alam kung ano'ng magagawa ko kapag hindi ako makapagpigil. Kahit kailan, hindi pa kami umabot sa puntong nag-away at nagsigawan. I was always that respectful of her. "Why did you come here in the first place, Celine?"

Diretso ang tingin niya sa'kin, as if she's estimating me. "You tell me. Bakit ka na'ndito? Nagsumbong ba sa'yo 'yung kaibigan mo?"

Hindi ako nakasagot dahil ayaw kong lalong maipit si Lira. Nanatili akong nakaupo sa couch.

I heard her laugh sarcastically. "Sabihin mo ngayon sa'kin na nagkataon lang na papunta ka rin dito, because as far as I can remember, I never told you I was coming here. So it's either gano'n kalakas ang instinct mo or that b*tch told you—"

"Don't you dare call her that!" Napatayo na ako. I was never the person na walang control sa sarili ko, pero for her to say something like that about Lira was unforgivable. "You have no right to accuse her of anything, Celine. Kusa akong nagpunta rito."

"Hah! So you're defending her? Am I right, Paul? You're defending your friend." Parang hindi man lang siya natinag.

Tumalikod ako sa kaniya at naglakad lakad para kumalma. Gusto kong isigaw sa kaniya na hindi ko kaibigan si Lira, na hindi ko lang siya basta kaibigan.

"Ganiyan ba siya kaimportante para sa'yo? Mas importante na ba ang pagkakaibigan niyo kesa sa ating dalawa?"

"Ano ba'ng gusto mong mangyari, Celine?" nakapikit na tanong ko habang nakatalikod pa rin sa kaniya. Bumuntong hininga ako. "Because as far as I know, wala nang 'tayong dalawa' sa relasyon na ito." Humarap ako sa kaniya at nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. I instantly looked away. Gone was the urge to comfort her that I've always felt no'ng alam kong mahal ko pa siya.

"W-What do you mean?" she panicked. Lumapit siya sa'kin pero nanatili ako sa kinatatayuan ko.

Hindi ako makatingin nang diretso sa kaniya. Alam ko na mali, pero kailangan kong gawin. Walang mangyayari kung mananatiling ganito ang sitwasyon namin.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. "Tell me, Paul..." Marahan niya akong pinaharap sa kaniya. "...do you still love me?"

I have waited so long for this day to come, na siya mismo ang makapansin, na siya mismo ang magtanong. I so wanted to end things with her, pero hindi ko rin naisip na hindi magiging madali ang lahat.

FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon