nine

169 12 3
                                    

nine | lira

December ang pinaka-busy naming Season buong taon. In my field of work, a month is always not enough to prepare for a wedding. Especially that the demands of our clients vary from very simple decorations to extravagant displays, kailangan paglaanan namin ng mahabang panahon ng team ko ang preparations for a single wedding alone.

Itong kasal ng anak ni Mrs. Ramirez will be held on December 19 and we have barely 2 weeks at hand. Na-distribute na namin lahat ng invitations. Naasikaso na rin ang schedule and all. We are in the course of preparing the logistical needs of the wedding, from the Church to the Reception. At heto nga, this has kept me occupied the past weeks.

"Ate Lira, tumawag na kanina 'yung sa shop na pagkukuhanan natin ng mga bulaklak. Baka raw ma-delay ng ilang araw ang delivery nila dala ng road construction sa Baguio." Madel, my assistant, informed me while we were having our snack break. She's been with me since I opened my shop and I entrust every transaction our shop conducts.

Medyo nag-alala ako dahil nga 2 weeks na lang ang mayro'n kami. "Pero posible raw ba na before Monday ma-deliver na nila? That's roughly 5 days before the wedding. Mara-rush tayo kapag lumampas ng Lunes."

"Oo nga, Ate, e. 'Di bale, tawagan ko po ulit mamaya 'yung shop," sagot niya na nakapakalma sa'kin. "Nga pala, Ate Lira..."

Tiningnan ko siya. "Bakit?"

"May susuotin na ba kayo para sa kasal?"

"Nagpasukat na ako, pero hindi ko pa napa-follow up kung okay na 'yung damit ko." Napahawak ako sa noo ko. "Sabi ko kasi kay Mrs. Ramirez 'wag na akong isama sa entourage."

Natawa si Madel. "Okay rin 'yun, Ate. Para makapag-relax ka. Hindi 'yung puro ka trabaho. Ayan o, nagkaka-wrinkles ka na." Itinuro pa niya 'yung noo ko na nakakunot. Napasimangot na lang ako. Lalo tuloy siyang natawa. "Tsaka, maigi na rin 'yung makadalo kayo sa kasal. Para may first-hand experience kayo kung ano'ng pakiramdam ng nasa kasal mismo."

"Palibhasa kasal ka na kaya ganiyan ka," natatawang sagot ko. "Hindi ko naman kasal 'yun. Pero tama ka, para alam ko kung ano'ng pakiramdam."

"At ando'n naman si Kuya Paul. Tiyak, hindi kayo mabo-bore," dagdag niya.

Just hearing his name made me quite giddy. Isang makahulugang ngiti naman ang nakita ko sa kaniya. "Bakit ganiyan ka makangiti diyan?"

"Wala naman, Ate," pigil-tawang sabi niya. Inubos niya muna 'yung laman ng baso niya bago nagsalita. "Naiisip ko lang kasi na..."

Nagtaas ako ng kilay. "Na ano?"

"Kailan kayo ikakasal ni Kuya Paul?" Nagtaas-baba pa siya ng mga kilay niya.

Her question almost made me choke. Buti nakabawi ako kaagad. "What are you saying?!" bulalas ko. "Anong kasal? Kay Paul? Saan naman nanggaling 'yan, Madel?"

Lalong lumakas ang tawa niya. "Sabi ko na nga ba," tanging sabi niya.

"Anong sabi mo na?" Medyo kinabahan ako. Hindi kaya narinig o nakita niya kami ni Paul? Pero ano naman ang dapat kong ikatakot? Oo nga pala, alam sa opisina na may girlfriend si Paul.

"May something kayo ni Kuya Paul," diretsong sagot niya saka tumayo. "Halata, Ate. 'Di bale, sikreto lang natin 'to. Pero 'wag mo 'kong kalimutan sa kasal niyo, ah? Boto naman ako sa inyo. Ayiiee! Nakakakilig!" Tatawa-tawang lumabas na siya ng opisina ko.

Hindi na ako nakasagot. Naiwan akong bahagyang nakangiti, pero sa loob ko, muli na naman akong nalulungkot. Wala pa ring sinasabi si Paul tungkol sa relasyon nila ni Celine. Hindi ko naman siya minamadali. Besides, I don't think Paul is the kind of person who would break a heart without a rational reason.

FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon