one

595 20 6
                                    

one | lira

"I'm really sorry, Lee. I can't pick you up tonight. May go-see si Celine. Sasamahan ko muna siya. May sakit 'yung driver nila, e. Please understand. Please?"

That's Paul on the other line, best friend ko. I was stuck sa shop dahil sa dami ng trabaho na kailangan kong asikasuhin. It's almost 8 at gutom na ako. I called him up para sana magpasundo. Kaso, ano ba ang laban ko sa girlfriend niya na model-to-be?

I let out a sigh and said, "I know. Go, I can take care of myself."

Narinig kong bumuntong-hininga siya dahil sa sagot ko. "Come on, Lee. Kung wala lang talagang appointment si Celine, 'di ba?"

"Best friend mo lang naman kasi ako, Mr. Llanes," I answered. "Syempre, uunahin mo ang girlfriend mo. Dahil ako, best friend lang," pa-konsensiya na sagot ko. Yeah, best friend lang.

"Hey," marahang pigil niya sa kung ano pang pumapasok sa isip ko. "Ngayon lang 'to, promise."

"What else can I do? Sige na, okay lang ako. Ingat ka–kayo."

"Hmm, nagtatampo ka na niyan?" I heard him smile.

Umirap ako kahit hindi niya nakikita. "Hindi, 'no. Bakit naman ako magtatampo? Sanay na 'ko, 'no."

"Sus, aminin mo na, Ms. Lorenzo, nagtatampo ka," pang-iinis pa ng mokong. "No, nagseselos ka." At ginatungan pa niya, ha?

Napangiti ako. Kahit nang-aasar na ay kaya niya pa rin akong pangitiin. "Tumigil ka diyan, Paul." At tumahimik na ako.

Few seconds ding walang nagsalita sa amin. Ngunit hindi niya natiis. "Uy, Lira, sorry na, oh? Kung wala lang talagang sakit 'yung driver nila Celine, 'di ko naman hahayaang hindi ka masundo diyan. You know me, 'di ba?"

'Yes, I know you. At alam kong mas hindi mo kayang tiisin 'yang girlfriend mo,' bulong ng isip ko.

"I'll make it up to you," sabi pa niya. "After Celine's go-see, pupuntahan kita sa bahay niyo, promise."

"Promise?"

"Cross my heart."

Napangiti akong muli. Ang bilis bumawi, e.

"Babe, tara na. Mali-late na 'ko," narinig kong tawag sa kaniya ni Celine. Napaka-demanding. Kainis! Kung hindi lang talaga 'yun girlfriend ng best friend, ko matagal ko na 'yung nasabunutan.

"O ayan, tinatawag ka na ng Señorita Celine mo. Bilis na at baka maghanap pa 'yan ng iba," kunwa'y pang-aasar ko.

Hindi na niya pinansin 'yung sinabi ko. "Text me kapag nakauwi ka na, okay?" bilin niya. Tumango ako, at alam ko na alam niya na 'yun 'yung sagot ko kahit hindi niya nakita. "See you later, Lee. Ingat ka."

Ibinaba ko na 'yung cellphone ko. I rested my back on my chair and closed my eyes. Almost 12 hours na rin akong nasa harap ng paper works and planning, at medyo sumasakit na 'yung ulo ko. Gutom na rin ako kaya pakiramdam ko ay nanghihina na ako.

I started to grab my things at lumabas na ng opisina ko.

"Ingat po kayo sa pag-uwi, Ma'am," magalang na sabi ni Manong Ricky habang nagba-vacuum ng sahig.

"Salamat po, Manong. Paki-lock na lang po after niyong maglinis." Pinsan ng Mama ko si Manong Ricky kaya pinagkakatiwalaan ko siya sa opisina.

Paglabas ko, pumara ako ng taxi. Bumaba ako sa may kanto bago 'yung papasok sa street namin. Dadaan na lang ako ng 7/11 para bumili ng makakain.

Nanonood ng TV 'yung mga kapatid ko nang dumating ako. Wala pa rin sila Mama galing sa out of town trip ng mga ito kaya kaming tatlo lang 'yung naiwan sa bahay.

FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon