eight | paul
eight | paul
Staying true to my promise that I would fix everything, I tried with all my might to talk to Celine. But it's been almost a week that passed pero hindi ko pa rin siya makausap ng matino. She's always busy with her castings and modeling bookings. It's almost pissing me off having to prolong this agony. Gusto ko nang matapos ang sa amin ni Celine. I want to be with Lira now, and I want to be free from anything else that might ruin her trust for me.
You may call me selfish, jerk, or whatever. But as long as I don't end my relationship with Celine, the more this situation will get worse. I loved Celine. Pero hindi na ako masaya. I tried, and I did my best for our relationship to work. Kaso, hindi ko naman siguro deserve ang mag-antay na lang ng mag-antay, yet at the end of the day, hindi rin ako masaya.
I don't see her regularly dahil priority niya ang career niya. I can't contact her most of the time dahil naka-off ang phone niya para raw maka-focus siya sa work. She's not there when I need her. She can't be there dahil busy siya.
Those reasons, I always tried to understand them. But I do not want to be caged in this kind of relationship any longer.
And I don't know if I can still endure a second without being with Lira.
Kung na-realize ko na sana noon pa... kung sana noon pa, inamin ko na sa sarili ko na mahal ko siya... kung sana hindi na ako naging duwag, bago pa sana kami mag-College, kami na.
Kaso, mas mahalaga para sa'kin ang pagkakaibigan namin noon. Gasgas man na rason, but I valued our friendship so much that it scared me to lose her just by my taking advantage of our closeness.
"Ang lalim na naman ng iniisip mo, Paul. Did something happen?"
I glanced at Kuya Mark who was busy with our shop's paper works. Umiling ako. "No, Kuya."
"Wala? E, bakit ganiyan 'yang mukha mo? Para kang nakapatay." Natatawang ibinaba ni Kuya Mark sa mesa 'yung ballpen na hawak niya.
Siya namang paglabas ni Kuya Ken mula sa loob ng office niya. Inaral niya 'yung mukha ko at iiling-iling na naupo sa tabi ko. "Mukhang matindi 'yan ah? Nabuntis mo ba si Celine?"
"Hell no!" bulalas ko.
"Si Lira?"
Pinanlakihan ko ng mata si Kuya Mark. "God, Kuya! Ano ba 'yang sinasabi niyo? You know I will never do that."
Nagtawanan silang dalawa. "You should see your face in the mirror, Little Brother. Para kang sira diyan."
Hindi ko na lang sinagot ang sinabi ni Kuya Ken.
"Bakit ka nga nagkakaganiyan? Tsaka kamusta ba 'yung out of town niyo ni Lira?" Tumabi na rin sa'kin si Kuya Ken. "Isang linggo na no'ng makauwi kayo pero hindi ka pa nagkikwento. May progress na ba?"
Napabuntong-hininga ako.
"Don't tell me na may nangyari sa inyo ng best friend mo?"
Napabalikwas ako sa inuupuan ko. I brushed my hair harshly with my hands and looked at them hopelessly. "Kung hindi ko lang kayo mga Kuya matagal ko na kayong nasuntok," naiinis na sabi ko pero tumawa lang sila. Dahil alam kong wala rin lang magagawa ang pagkaasar ko, naupo akong muli sa gitna nila.
"We're just messing with you, Paul," sabi ni Kuya Mark at tinapik ako sa balikat. "You know us too well para mainis ka ng ganiyan sa pang-aasar namin."
"At naiinis ka lang ng ganiyan kapag may iniisip kang malalim, which surely is happening right this moment. Come on, tell us."
Tiningnan ko ng seryoso si Kuya Ken, tapos si Kuya Mark. Nang masiguro kong makikinig nga sila, nagpakawala ako ng malalim na hininga. "Kami na ni Lira," halos pabulong kong sabi.
BINABASA MO ANG
Fall
Romance~ON-GOING~ When can you exactly say that it's the right time for you to fall in love, and the person in front of you is the one you were meant to love for the rest of your life? Just when is the perfect time to fall, or the perfect reason to catch s...