four | lira
"We'll be back on Sunday, Tita, I promise," he told my Mom. Itinaas pa niya 'yung kanang kamay tanda ng pagiging totoo niya sa binitawang salita. "Ako na po ang bahala sa anak niyo."
Napangiti naman 'yung nanay ko. "Alam ko naman na hindi mo pababayaan 'yang si Lira, Paul," nakangiti namang sagot ni Mama habang inaabot kay Paul 'yung paper bags na may lamang pagkain. Pabaon ni Mama, para raw kapag nagutom kami habang nasa byahe, hindi na namin kailangang mag-stop over. "Kapag nalaman kong may nangyaring masama sa byahe niyo, hindi ka na makakatungtong dito sa bahay, tandaan mo 'yan," kunwaring pananakot ni Mama.
"Hinding hindi po 'yan mangyayari, Tita. Kung may mangyari man po, kasalanan 'yun ng anak niyo," sagot ni Paul at tumawa pa.
"Naku, 'Ma. Si Paul pa tinakot niyo," sabat ko sa usapan nila. Para kasing wala ako sa tabi nila habang nagkikwentuhan sila. "At ikaw," palo ko sa braso niya, "anong kasalanan ko? Ano, 'wag na lang akong sumama?"
Maagap naman siyang humarap sa'kin. "Biro lang, Lira!" Bumaling siya kay Mama. "Sige po, Tita, alis na po kami at baka magbago pa ang isip nitong moody niyong anak na kung hindi ko lang 'to best friend matagal ko na 'tong–"
Tinakpan ko ng kamay ko 'yung bibig niya. "Sige, dumaldal ka pa diyan at hindi na talaga ako sasama."
Ayun at nauna na siyang lumabas ng bahay. Naiwan kami ni Mama na tatawa-tawa.
"Ang swerte mo diyan sa best friend mo, Lira. Kung ako ang tatanungin, gusto ko na siya na ang makasama mo habang-buhay." Walang alinlangan sa pagkakasabi ni Mama habang pinagmamasdan si Paul.
"'Ma... may girlfriend po 'yung tao," sabi ko naman. "Besides, best friends lang po kami. Hanggang doon na lang po 'yun."
"Anak..." hinawakan ni Mama 'yung magkabilang pisngi ko. "Hindi mo masisiguro ang mga bagay-bagay."
Pumasok na ulit si Mama sa bahay, habang ako, eto at pinagmamasdan din 'yung lalaking ilang taon ko na ring kasama sa iyak at tawa.
"Lira, tara na. Baka gabihin pa tayo sa daan."
Ayoko na ring mas lumalim pa 'yung itinatakbo ng mga naiisip ko kaya patakbo akong lumapit sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako at sumakay na sa shotgun seat. Naglaro lang ako ng kung ano sa cellphone ko. Maya-maya, humihikab na ako.
"Baka gusto mong matulog muna? Alam kong puyat ka sa kakatapos ng plans mo," sabi ni Paul. Nakatutok siya sa daan habang nagsasalita.
"Okay lang ba? Hindi ka ba mabo-bore mag-drive nang walang kausap? Baka antukin ka." Alam ko rin kasi na puyat na naman siya dahil inumaga sila sa castings ni Celine.
He smiled at me for a second and said, "I can manage, okay? Idlip ka muna. I'll wake you up kapag oras na para kumain."
"Thank you, Paul." Inayos ko 'yung upuan para makahiga ako. Inabot ko rin sa backseat 'yung unan na dala ko.
"Good night, Lee," pahabol pa niya. Umagang-umaga gumu-good night siya.
Napangiti ako at pumikit na. Agad na binalot ng antok 'yung buong pagkatao ko. "Good night, Paul. Drive safely. I love you."
Ang bilis kong nakatulog at pakiramdam ko, nasa dreamland na agad ako.
"I love you, too, Lira."
********
Naalimpungatan ako nang maramdaman ko 'yung mahina niyang pagtapik sa balikat ko. Naamoy ko kaagad 'yung pork sisig na baon namin. Specialty 'yun ni Mama kaya alam na alam ko 'yung amoy. Naramdaman ko tuloy kaagad ang gutom.
BINABASA MO ANG
Fall
Romance~ON-GOING~ When can you exactly say that it's the right time for you to fall in love, and the person in front of you is the one you were meant to love for the rest of your life? Just when is the perfect time to fall, or the perfect reason to catch s...