Kabanata •7

24 5 0
                                    

Gumising ako ng alas kwatro ng umaga para maghanda sa aking paglalakbay, kinuha ko na ang mga gamot na hiningi ko kay lola at kinuha ko na rin ang sandata na aking gagamitin, aalis na ako agad dahil baka magising pa si ginoong yan.

Ng maihanda ko na ang lahat ay lumabas na ako at nagsimula na akung maglakad.

Kailangan kung bilisan ang aking paglalakbay dahil mamayang hapon na gaganapin ang seremonya at baka hindi ako makaabot.

Sana ay hindi maulit ang dating nangyari, mamaya ang seremonya ng lahat ng natitirang mga angkan at sigurado ako na magiging laban ito kaya dapat ko itong pigilan lalo na at may plano ang pinuno ng isa sa pinaka malakas na angkan at nakaayon lahat sa kanyang plano ang mangyayari mamaya, balak nitong tapusin ang bawat pinuno ng mga angkan na dadalo sa seremonya mamaya, gusto nitong sakupin ang lahat ng angkan

Dapat ay mapatay ko ito bago pa niya magawa ang plano na iyon..

Napatigil ako sa pag iisip ng may naramdaman akung nakasunod sakin agad ko itong hinarap at tinutok ang sandata at agad namang itong kumawala sa kanyang lalagyan mabilis ang galaw ng sandata at agad naman niya itong nahanap, pinuntahan ko ang sandata kung saan ito tumigil

"Sino ka?"tanong ko dito, alam kung sa oras na ito ay nakatutok sa leeg nito ang sandata at isang mali lang ay paniguradong matatapos ang buhay niya dito

"Bakit mo ako sinusundan?"pangalawang saad ko kaya sumenyas naman ako sa sandata na igihan ang pagtutok sa leeg nit--

"G-ginoong gab, ako ito!"gulat kung kinuha ang sandata na nakatutok sa leeg nito

"Bakit ka sumunod?"inis kung tanong dito

"Saan ka pupunta?"tanong nito pabalik

"Bumalik ka sa gubat"seryuso kung saad, bakit ba ang lakas ng pakiramdam nito, hindi ko alam kung bakit niya pa ako nasundan dahil sa likod ng gubat ako dumaan

"Saan ka nga pupunta bakit hindi mo man lang sinabi sa akin at bakit may dala kang sandata?"tanong nito, mabilis kung tinago sa likod ko ang sandata

"Ihahatid na kita pabalik"saad ko at hinawakan ang kamay nito pero mabilis niya itong binawi

"Hindi ako babalik hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung saan ka pupunta"wala na akung magagawa kaya hinarap ko na ito

"Dadalo ako sa seremonya sa lahat ng mga angkan"seryuso kung saad habang hinihiling na sana ay maintindihan nito at umuwi na lang

"Bakit ka dadalo? kabilang ba ang angkan mo sa seremonya?"tanong nito kaya umiling ako

"Wala na akung angkan"

"Bakit ka pupunta? Anong kinalaman mo sa lahat ng mga angkan--"hindi ko na ito pinatapos, kinuha ko ang sandata at tinutok ito sa leeg niya

"Wala akung kinalaman sa lahat ng angkan pero sa nag plano ng lahat, meron!"matigas kung saad at tinalikuran ito

"Anong ibig mong sabihin?"tanong nito

"Sila ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang matalik kung kaibigan lalong lalo na ang mga magulang ko, kinuha nila lahat sa akin. kinuha nila!!"galit kung saad sa kanya

Mali ang mag higanti pero hindi makataruangan ang kanilang ginawa, ilang angkan ang nasunog dahil sa kanila at maraming tao ang namatay dahil sa kasamaan nila kaya ngayon ay ako naman, wala akung ititira ni isa sa kanila.

Patawad, Mi Amor (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon