Kabanata •20

4 1 0
                                    

Natapos na kaming kumain at ngayon ay napag disisyonan naming pumunta sa ilog dahil gusto daw nila manguha ng isda kaya sumang ayon na din ako kaya nagsi bitbit na sila ng kahoy na balde

"Akin 'to"saad ni chan chan kaya agad naman akong tumigil sa paglalakad

"Akin 'to, ako nauna e"saad naman ni ginoong yan kaya agad naman akong napa buntong hininga dahil alam ko na kung saan na naman ito hahantong

"Chan, ito sa'yo na ang baldeng hawak ko"saad ko kay mabilis namang kinuha ni chan chan

"Salamat po kuya!!"masayang sigaw nito at naunang maglakad

"Ang batang iyon, sarap takpan ng balde ang liit"saad ni ginoong yan na ikinatawa ko

"Wag mo na siyang asarin, parehas pa naman kayong pikon"saad ko na may halong pang aasar

"Tingnan mo kung sino ngayon ang nang aasar"saad nito kaya tumawa naman ako

"Gawin natin ang makakapag pasaya sa kanya, tulungan mo ako, iyon lang ang tangi kung magagawa para sa kanya"saad ko kaya agad naman itong natahimik siguro nagtaka ito kung bakit

"Dahil ba sa malaki ang utang na loob mo sa lola niya?"tanong nito kaya umiling naman ako bilang sagot

"May iba pang rason bukod doon at alam kung magiging malungkot siya kapag nalaman niya ang lahat"mahinang saad ko sapat na para marinig nito

"Maari ko bang malaman kung bakit?"tanong nito

"Sa nakaraan, mayroon akong kasalan kung bakit namatay ang ama nito"mahinang sagot ko kaya tumahimik naman ito at parang may malalim na iniisip

"Nakaraa--"

"Tara na, malayo na sa atin si chan"saad ko at mas binilisan ang paglalakad, sumunod naman ito ngunit tahimik lang ito

Hindi na ako nag aalala dahil may mga tanda ng dinaanan itong gubat at alam ko namang susundan ito ni chan .

Habang naglalakad kami ng sumigaw si chan papunta sa aming pwesto

"Kuya! Kuyaaaa!"sigaw nito habang tumatakbo papunta sa amin

"Chan, mag ingat ka sa dinadaanan mo"alalang saad ni ginoong yan kaya agad naman akong napangiti

"Opo--"

"Teka-- hoy bata bakit basa ang pang ilalim na suot mo?"sita sa kanya ni ginoong yan kaya agad naman akong umupo sa harap ni chan chan at agad na hinawakan ang damit nito at tama nga si ginoong yan

"Bakit basa ka?"tanong ko

"Opo kuya, may bulaklak po ako na kinuha para po ha sa inyo kuya"saad nito habang hinihingal kaya nilahad ko naman ang kamay ko sa harap nito para ibigay nito ang bulaklak at agad naman nitong inilagay sa kamay ko

"Salamat, chan"ngiting saad ko at ginulo ang buhok nito

"Sobrang bango po niyan"saad nito kaya tumayo ako at agad ko itong inamoy

Lotus?

Lotus?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Patawad, Mi Amor (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon