Kabanata •11

17 1 0
                                    

•|


Ilang minuto pa akung hindi nakasagot kay chan chan dahil sa sinabi nito

"Kaibigan?"pag uulit ko

"Opo"

"Hindi ako sigurado sa iyong sinasabing mabait siya lalo na't hindi mo pa siya masyadong kilala at ngayon mo lamang siya nakilala"paliwanag ko rito

"Ngunit--

"Hindi lahat ng taong nakikilala mo ay mabait at malinis ang intensyon sa'yo, matuto kang dumistansya sa taong ramdam mo na may malaking lihim sa mundo.. hindi lahat ng mabait sa'yo ay mapapag-katiwalaan"lalo na't sobrang bait nito sa'yo

"Paumanhin kuya ginoo sa aking sinabi, susundin ko po ang inyong mga sinabi"magalang na saad nito at ngumit lang ako bilang tugon

Hindi dahil takot ako magtiwala kundi ako mismo ang walang tiwala sa aking sarili at kung ang paglayo lamang sa iba ang makakabuti ay gagawin ko..

Sila lola at master lang ang naging sandalan ko sa lahat nung mga oras na hinang hina ako at walang makapitan kaya hindi ko na sila magawang talikuran sa kabila ng kanilang mabuting nagawa sa'kin..

"Kuya ginoo!"masayang tawag ni chan chan at ramdam ko na lumapit ito akin

"May ibibigay po ako sa inyo, ibuka mo po ang palad mo"utos nito kaya wala na akung nagawa at agad na nilahad ang palad ko, may nilagay ito sa aking kamay na kung anong uri ng halaman dahil sa ugat nito

"Isa po itong puting bulaklak ng lutos, marami pong lutos dito at mababango pa at ito din ang dahilan kung bakit gusto kung pumunta rito"ngumiti naman ako at

Ang lotus ay mga halamang nabubuhay sa tubig na karaniwang may kulay na rosas, dilaw, puti, o bughaw. At puti ang kulay na binigay nito

"Salamat"saad ko at agad na inamoy ang lutos na binigay nito

"Wag kana pong malungkot"malumanay ang pagkakasabi nito na siyang ikinatawa ko ng mahina, mabilis nitong mabasa ang imosyon ko

"May mga bagay lang akung iniisip kaya bumalik kana sa paglalaro at uuwi din tayo maya maya dahil baka hinahanap na tayo ni lola"saad ko

"Masusunod po"

Habang naglalaro ito ay nakaupo lamang ako sa malaking bato at pinapakiramdaman ang tubig na umaagos

"chan chan, maari ba akung magtanong?"panghihingi ko ng permiso

"Opo naman"

"Maari ko bang malaman kung nasaan ang ina at ama mo?"hindi muna ito sumagot kaya akmang babawiin ko ng magsalita ito at nasa harap ko na rin ito

"Si ina at lola na lang po ang nag aalaga sa'kin dahil namatay si ama noong maliit pa po ako, sabi ni ina na namatay si ama dahil pumunta ito sa bayan ng Aguirre at ilang araw itong hindi nakauwi, nalaman na lang po ni ina na may sumalakay sa bayan na iyon at nandun si ama sa mga oras na iyon, namatay po siya dahil tumulong ito sa pakikipag laban"Aguirre? Kung ganon ay kasama namin nung mga panahon na iyon ang kanyang ama?

"Palagi pong kinkwento ni ina sa akin si ama, hindi ko na po kasi maalala kung ano ang itsura ni ama dahil maliit pa po ako non kaya kinikwento na lang ito ni ina sa akin at sabi nito na matapang at malakas si ama dahil magaling ito sa pakikipaglaban kaya sobra po akung nalungkot dahil hindi ko po nakita kung paano po siya makipaglaban, gusto ko din po na turuan niya ako pero hindi ko na po iyon mararanasa--- po kuya?" Hindi ko na napigilan ang aking sarili at mahigpitnko itong niyakap

Patawad, Mi Amor (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon