Kabanata •13

10 1 0
                                    

Kumuha kami ng mga prutas katulad ng sitrus at iba pa para kainin ito at agad ding bumalik sa kung saan kami kanina nakaupo

"Kuya ginoo, napaka ganda po ng paligid dahil marami pong nagliliparang mga tutubi, ang ganda nila tingnan. Ngayon lang ako nakapunta rito dahil ayaw ni ina na maglakbay ako sa malayo"saad ni chan chan

"Babalik ulit tayo rito"saad ko

"Opo"masayang saad nito

"Kuya nanjan na po si ginoong yan!"masiglang saad ni chan chan

"Ginoong gab! Maraming prutas na ang napitas ko!"sigaw nito mula sa aming likuran, nagpumilit kasi itong magpaiwan para makapitas pa ng prutas

"Ginoong yan, maari bang mag dahan dahan ka sa iyong kilos?"inis na saad ko rito ng makarating ito sa harap ko, hinihingal pa itong makarating at agad na hinawakan ang magkabilang balikat ko para magsilbing alalay nito sa kanyang sarili kaya hinayaan ko na lamang siya at hinintay itong makakuha ng lakas

"Ha! ha! ha! Marami akung kinuha dahil baka kulang ang mga prutas na kinuha natin kanina"hinihingal na saad nito kaya agad kung hinampas ang kanyang palad na nakahawak sa balikat ko

"Bitawan mo ako at umupo ka!"may bahid na inis kung saad at inalalayan ito para umupo

"Ayos lang ako"saad nito at tinapik tapik ang balikat ko

"Magpahinga muna tayo, pagkatapos nating magpahinga ay babalik na tayo sa bayan dahil hindi tayo maaring magpagabi at baka mag alala si lola"saad ko sa kanila

"Opo"

"Hmm"

Sabay na sagot nila

"Chen? Matatamis ang mga nakuha ko, gusto mong kumain?"yaya nito kay xiaoxiao kaya agad itong pumunta sa kanya tabi

"Marami pa pong natira sa kinuha ko kanina at busog na rin po ako, si kuya ginoo na lang po bigyan niyo"saad ni xiaoxiao kay ginoong yan

"Hindi pa ba kumakain ang kuya ginoo mo?"tanong nito

"Hindi po, pinag alala niyo po kasi siy--"

"Xiao chen"putol ko sa sasabihin nito, rinig ko ang mahina nitong pag tawa

"Oh"saad ni ginoong yan pero hindi ko ito pinansin, akala ba niya nakikita ko ang ginagawa niya?

"Sitrus, binalatan ko na yan para sa'yo"saad nito at binigay sa akin pero hindi ko tinanggap, ramdam ko na tumabi ito sa pag upo sa'kin

"Paumanhin kung nag aalala ka sa'kin, hindi na ulit ako lalayo sa'yo"saad nito, simpleng salita lamang iyon pero parang may malalim na pinapahiwatig ito

"Hindi ako nag aalala sayo, nag aalala ako kay lola dahil siya lang naman ang gumagawa ng mga gamot mo"saad ko na ikinatahimik nito

Nag aalala naman talaga ako sa kanya pero ayaw ko na malaman nitong may pakialam ako sa kanya.

"Alam mo? Ako na lang amg gagamot ng sugat ko sa susunod para hindi na mahirapan si lola kaya kumain kana"saad nito at agad akung inakbayan, hindi ko alam kung dapat ba akung malungkot dahil nadismaya ito o mainis

"Kukunin mo o susubuan kit--"hindi ko na ito pinatapos at kinuha ang sitrus na hawak nito

"Mabuti"saad nito at ginulo ang buhok ko, nag mumuka akung bata

Patawad, Mi Amor (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon