Kabanata 27

0 0 0
                                    

•Yohan POV

"Sino ba may sabing manonood tayo? Kung gusto mo manood ikaw lang mag isa dahil mag lalaro kami ni chan"saad nito na ikinatigil ko at bumalik ang alala sa akin noon nong matapos ang sayaw ay hinanap ko siya at natagpuan ko siyang may kalaro dati na isang ginoo kaya sa sobrang inis ko non ay umuwi ako mag isa at iniwan ito

Alam ko kasing wala akong karapatan na magselos dahil hindi naman niya alam kung anong nararamdaman ko sa kanya nong mga pahanong iyon

"Hindi ako manonood, sasama ako maglaro"saad ko ng may padabog

"Bakit? May naalala ka ba?"ngising saad nito na ikina kunot ng noo ko

Alam niya?

"Nakita mo pala ako non, hindi mo man lang ako hinabol"nagtatampo kung saad

"Hinayaan mo nga rin lang ako non"natatawang saad nito kaya nag 'tsk' na lang ako dahil totoo ang sinabi nito

Napatigil kaming dalawa sa pagbabangayan ng magtanong si chan

"Ano pong sayaw iyon kuya?"tanong ni chan na ikinatigil ko ganun din si gab

"Mga magagandang binibini na sumasayaw"saad ni gab sa seryuso na boses kaya napakagat ako sa aking labi at pigil na ngumiti

"Ahh laro na lang po tayo"saad ni chan kaya nakahinga naman ako ng maluwag

Buti naman at ayaw niyang manood at baka mangyari ulit iyon, makakapatay ako..

"Anong laro ang gusto mo? Maglalaro tayo"tanong ko kay chan at binuhat ito, rinig ko ang pag 'tsk' ni gab na ikinangiti ko

"May laban pa tayo"saad ni gab kaya agad na lumawak ang ngiti ko

"Lakas ng loob mong matalo ah"pang aasar ko

"Talaga ba?"may pagbabanta nitong tanong kaya ngumiti na lamang ako at nanunang maglakad

"Alam kong mananalo ka po sa inuman niyo ni kuya gab"bulong ni chan na ikinatawa ko

"Tinatawa tawa niyo ha?!"inis na tanong gab kaya napatigil kami at nagtinginan

"Patay ka"saad ni chan kaya napalunok ako

Tumigil ako sa paglalakad at hinintay si gab, naka simangot ito na ikinangiti ko , hinawakan ko ang kamay nito kaya napatigil ito

"Tara na"saad ko at naglakad na habang magkahawak parin ang kamay namin

Sabihin niyo ng baliw ako pero lahat ng galaw ni gab ay maganda para sa'kin, kapag naiinis ito ay hindi ko mapipigilang ngumiti, buong araw ata ay nakangiti lang ako..

Napatigil ako sa pag iisip ng humigpit ang hawak ni gab sa kamay ko

"Bakit?"tanong ko at bumaling ang tingin sa kanya

"W-wala"saad nito ng nakayuko kaya agad kung kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak niya at hinawakan ang muka nito

"Kung ano man ang nasa isip mo, wag kang mag alala dahil nandito ako, hindi kita pababayaan"saad ko at inayos ang buhok nito, may pagka mahaba na kasi ang buhok nito kaya nagmumuka siyang babae

"Namumula ka po kuya gab"biglang saad ni chan kaya agad na umatras si gab

"T-tara na"utal na saad nito kaya hinawakan ko ulit ang kamay nito at nagpatuloy sa paglalakad

"Wag ka po mahiya kuya gab, tayo tayo lang naman po nandito"saad ni chan na ikinahagalpak ko ng tawa kaya mas lalong namula so gab

"Oy si kuya gab mas lalong namula"panunukso ni chan sa kanya kaya agad itong bumitaw sa akin

Patawad, Mi Amor (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon