Kabanata •14

2 1 0
                                    

Tapos na kaming kumain kaya napag disisyonan na naming magpahinga dahil malalim na rin ang gabi..

Dalawa ang higaan na nasa silid na kung saan kami natutulog ni ginoong yan

"Ginoong yan?"tawag ko sa kanya

"Hmm?"gising pa siya

"Wala"saad ko, hinihintay ko itong maunang matulog dahil may dapat pa akung gawin

"Ginoong gab?"tawag nito kaya bahagya akung napalingon kung nasaan ito

"Hmm?"

"Wala"anak ka ng-- pati ba naman sa pag tulog

"Tsk!"singhal ko

Sampong minuto na ang nakalipas at walang na akung ingay na naririnig, rinig ko ang malalim na paghinga nito pero mas mabuti nang maging sigurado dahil ngayon ay dapat hindi na ako pwedeng pumalpak sa gagawin ko. Naghintay pa ako ng limang minuto bago bumangon

"Ginoong yan?"tawag ko sa pangalan nito pero walang sumagot at humihilik na ito

Maingat ang galaw ko dahil baka may magising ito, walang ingay kung kinuha ang jaket ko na nasa ulohan ng higaan nito

Gusto kung malaman kung ano ang nasa isip nito

Dahan dahan kung nilagay ang palad ko sa kanyang noo, iwinaksi ko lahat ng nasa isipan ko. Pinipilit kung pasukin ang alaala nito pero hindi ko magawa at hindi ko alam kung bakit..

Imposibleng--

"Anong binabalak mo?"pahina nang pahina na ang boses nito kaya agad ko ng binunot ang karayom na tinusok ko sa kanya bago pa niya ako maunahan

Pampatulog lamang ang karayom na iyon.. hindi ko na maaring makuha ang kanyang ala-ala dahil makakaapekto ito sa kanyang enerhiya kapag sinubukan ko pa ulit.

"Ito na lang ang naiisip kung paraan para malayo ka sa'kin ng tuluyan dahil patuloy ka lang masasaktan kapag nasa tabi kita, alam kung ayaw mong lumayo sakin kaya patawarin mo ako sa aking gagawin"bulong kung saad at agad na naglakad palabas ng silid

Dapat ko pang makausap si lola dahil may itatanong ako at hihingi din ako ng pabor

Ng makalabas ako ay agad kung tinahak ang daan papunta sa pintuan palabas ng bahay, akmang bubuksan ko na ang pintuan ng may magsalita sa likod ko

"Gabi na, saan ka pupunta?"nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig ko ang tinig ni lola, humarap ako kung nasaan ito at yumuko bilang pagbigay ng galang

"Lola, maari ba akung humingi ng pabor sa'yo?"mahinang saad ko sakto lang para marinig nito

"Ano iyon, apo?"tanong nito

"Wag niyo pong ipaalam kay ginoong yan ang pag alis ko"saad ko na ikinatahimik nito

"Apo, tama ba ang gagawin mo? Paniguradong hahanapin ka niya"alalang saad ni lola

Alam kung hahanapin niya ako kaya pinaghandaan ko na iyon, kinuha ko ang maliit na kahon na nakatago sa bulsa ng aking jaket at binigay iyon kay lola

"Tatlong karayom ang laman ng kahon na iyan, kinokontrol ng kanyang isip ang kanyang katawan at kokontrolin ng gamot na nasa karayom na yan ang kanyang isip, magiging paralisado ito pero wag kayong mag alala dahil hindi siya makakaramdam ng kung ano mang sakit"mahabang litanya ko na ramdam ko naman ang bahagyang pagkagulat nito

Patawad, Mi Amor (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon