Kabanata •21

2 1 0
                                    

Habang nagkakatuwaan kami ni chan sa pangingisda ay biglang dumating si ginoong yan at ilang sandali pa ay tinawag kami nito

"Ginoong gab! Chan! Umahon muna kayo jan at pumarito kayo"sigaw ni ginoong yan sa hindi kalayuan

Salamat at naalala nito ang sinabi ko

"Opo!"sigaw pabalik ni chan at kinuha ang balde at nilagay doon ang mga ginamit namin at isda na nahuli namin

"Tara po, tulungan ko po kayo"presenta nito at inalalayan akong tumayo, kahit kaya ko namang maglakad mag isa ay hinayaan ko na lamang itong alalayan ako hanggang sa makarating kami sa pwesto ni ginoong yan at agad akong napahawak sa aking tiyan ng tumunog ito dahil sa mabangong amoy ng pag kain

"Ang bango!"sabik na sigaw ni chan

"Halika, dito ka umupo"saad nito kay chan kaya agad namang sumunod ang bata

"Anong dala mo?"tanong ko kay ginoong yan

"Pagkain, alam kung nagugutom na kayo"saad nito, tumayo ito para alalayan akong umupo

"Salamat"saad ko

"Kaya pala ang tagal mo bumalik, anong niluto mo?"tanong ko sa kanya

"Kanin, sabaw at ginisang petsay na may talong"saad nito at nilabas lahat ng dala nito, ang bango ng mga pagkain na dala nito

"Ang dami, salamg kuya!"masayang saad ni chan

"Niluto ko talaga ang gusto mo dahil binantayan mo si ginoong gab"saad ni ginoong yan kaya napa 'tsk' naman ako, kailangan pa bang sabihin iyon?

"Tinuruan niya po akong mang huli ng isda, gusto ko nga pong kumain ng isda pero hilaw pa"saad ni chan

"Gusto mo bang lutuin natin?"tanong sa kanya ni ginoong yan

"Malayo po ang bahay ni kuya ginoong gab"

"Dito natin lulutuin, ako bahala"

"Pa'no po?"

"Ganito, kumuha muna tayo ng kahoy na para makagawa ng apoy pagkatapos non ay pwede natin ihawin ang isda"paliwanag ni ginoong yan sa kanya

Nakikinig lamang ako sa usapan nila masaya ako dahil sa ginagawa ngayon ni ginoong yan

"gab dito ka lang muna at kukuha lang kami ng kahoy"saad ni ginoong yan

"Mag ingat kayo, wag kayong lalayo"saad ko kaya umoo naman sila at umalis na

Pansin ko ang pag iba minsan ng ugali ni ginoong yan at pansin ko din na madalas ako nitong tawaging gab..

Napangiti ako ng bigla kung maalala ang pagyakap nito sa'kin kanina, parang nawala ang pangungulila ko sa kanya sa ilang taong hindi namin pagkikita, sobrang saya ko sa mga oras na iyon

Gusto ko siyang yakapin pabalik at sabihin kung paano ako nangungulila ng maraming taon sa kanya ngunit mas pinili kung manahimik at damdamin ang mainit na yakap nito.

"Nandito na po kami!!"napabalik ako sa ulirat ng marinig ko ang boses nila

"ilagay mo dito lahat ng kahoy"saad ni ginoong yan at agad naman itong sinunod ni chan

"ano po ang susunod niyong gagawin?"tanong ni chan

"kaylangan niyo ba ng tulong?"tanong ko

"magpahinga ka lang jan, kaya na namin 'to"saad ni ginoong yan kaya hindi na lang ako nag reklamo

Pinapakinggan at pinapakiramdaman ko lang ang bawat salita at kilos nila, walang pagtatalo at mahahalata mong masaya sila pareho

Patawad, Mi Amor (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon