kabanata •16

3 1 0
                                    

Nakarating kami sa bayan ng vista at agad kung tinali ang kabayo at nagpatuloy na naglakad papasok sa bayan at agad naman akung napahinto at nilibot ang tingin

Walang ka tao tao sa bayan na 'to

"Kung nagtataka ka kung bakit walang tao ay dahil sa nangyaring sunog rito at ang lahat ng nakaligtas ay nasa palasyo ng pinuno upang siguraduhin ang kaligtasan ng mga tao rito"paliwanag ng ginoong kasama ko

"Dalhin mo'ko sa palasyo ng pinuno"saad ko, nauna naman itong maglakad kaya sinundan ko ito hanggang sa huminto kami sa paglalakad

Rinig ko ang ingay ng paligid, mga nag uusap kaya alam kung nandito na kami sa palasyo na tinutukoy ng ginoong kasama ko, ramdam ko na may palapit

"Magandang hapon ginoong jam! Buti at naparito ka sapagkat may sulat na dumating para sa'yo"masiglang saad ng binibini

"Magandang hapon din binibining vian! maraming salamat sa pagtanggap ng sulat"bati ng ginoong kasama ko

"walang ano man ginoo o siya mauna na ako dahil baka hinahanap na ako ni ama"saad ng biniini at randam kung umalis na ito

"ginoong gab baka hanggang dito na lamang kita matutulungan dahil hinahanap ako ng aking ina"saad nito ng may paghihinayang

"maraming salamat sa tulong mo ginoo"saad ko at yumuko bilang pagbigay ng galang, randam kung bahagya itong yumuko

"sana magkita pa tayo ginoo, masaya akung nakilala kita"masayang saad nito kaya tumango na lamang ako

"paalam po ginoong gab!"saad nito

"paalam"saad ko at bahagyang yumuko, randam kung naglakad na ito papalayo

"ang aso na iyong hinahanap ay nasa likod lamang ng bayan ng paraiso!!"sigaw ko

"opo! nakita na po ni ama! salamat!"sigaw nito pabalik, ilang minuto pa akung nakatayo hanggang sa mapag pasyahan kung magtanong

"magandang hapon maari ko bang malaman kong nandito si binibining vian?"tanong ko sa estrangherong ginoo

"si binibining vian ay nasa loob ng palasyo, gusto mo bang ihatid na kita sa palasyo?"alok nito

"maraming salamat sa alok mo at kung maari ay mauna kang maglakad at susundan na lamang kita"saad ko

"o siya sige"saad ito at naunang maglakad kaya mabilis naman akung sumunod hanggang sa makarating kami sa palasyo

"may upuan malapit sa likod mo kaya umupo ka muna dito at tatawagin ko lamang si binibining vian"saad nito at umalis sa aking harapan, umupo muna ako at ilang minuto lang ay ramdam kung may papalapit ay agad akung tumayo

"magandang hapon ginoo? maari ko malaman kung ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?"saad ng isang binibini gamit ang isang mahinhin na boses, bahagya akong yumuko upang magbigay ng galang, hindi ako sumagot kaya agad nitong naintindihan kung ako ang ibig kung sabihin

''ah mauna na ako ginoo at binibining vian."saad ng ginoong nagdala sa akin dito

"maraming salamat"saad ko at bahagyang yumuko

"mas mabuting pumasok na muna tayo at doon na tayo mag usap, sumunod ka sa akin"saad ni binibining Vian, bahagya akong tumango bilang pag sang-ayon sa sinabi nito, sinundan ko ito hanggang sa tumigil kami sa paglalakad

"Maupo ka at ikukuha muna kita ng iyong maiinom"saad nito pero agad ko itong pinigilan

Hindi ako maaring magtagal

Patawad, Mi Amor (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon