Kabanata •19

5 1 0
                                    

Kahit pa may kasama akong mga bata ay sa wakas malapit na din kami sa gubat

"Bilisan niyo ang paglalakad!"sigaw ko dahil nauna ako sa kanila at medyo malayo na ako

"Opo!!"balik nilang sigaw at tumakbo papalapit sa akin, kanina pa sila tumatawa at hindi ko alam ang dahilan

Kapag kalokohan nagkakasundo sila

"Nauna ako!!"sabay na sigaw nila at agad na umakbay sa akin si ginoong yan habang naka hawak naman sa kamay ko si chan chan

"Ako ang nauna!!"saad ni chan chan

"Ako nauna!"saad ni ginoong yan ng may pang aasar sa tono

"Ako ang naunang makarating kay kuya ginoo!"inis na saad ni chan chan at nagdadabog habang hawak ang kamay ko

"Ako ngaa!!"chan chan

"Ako ang nauna"ginoong yan

"Ako nga e!!"chan chan

"Blee! Ako ang nauna hahahah"pang asar pa lalo ni ginoong yan sabay tawa at ilang sandali ay natahimik ang paligid hanggang sa marinig ko ang mahinang hikbi ni chan chan

"Tsk, bitaw!"singhal ko kay ginoong yan at winaksi ang kamay nitong nakatungtong sa balikat ko

"Biro lang naman iyon ah"saad ni ginoong yan pero hindi ko ito pinansin at binuhat na lamang si chan chan

"Tahan na, malapit na tayo sa gubat"saad ko at hinimas himas ang likuran nito

"A-ako naman po talaga ang nauna po diba"iyak na saad ni chan chan

"Oo kaya tahan na"saad ko kaya ilang minuto ay huminto na din ito sa pag iyak hanggang sa nakatulog ito sa balikat ko

"Ginoong gab"tawag ni ginoong yan sa pangalan ko pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad

"Ginoong gabbb"

"Pansinin no na ako ginoong gab"

"Patawad naa"

"Hindi ko na papaiyakin ulit"

"Hindi ko na siya aasarin"

"Ginoongggg gabbbb--- hehe"putol na saad nito ng makita ako nitong huminto

"Kapag ito nagising sinisigurado kong matutulog ka kahit hindi ka inaantok"bulong ko kaya agad naman itong bumulong bulong pero hindi ko maintindihan kaya hindi ko na lang ito pinansin

Sa wakas ay nakarating na kami sa bahay

"Akin na muna siya"saad ni ginoong yan at kinuha si chan chan sa pagkakabuhat ko, binuksan ko ang pintuan at agad namang pumasok si ginoong yan sa silid at ako naman ay dumeretso sa kusina at uminom ng tubig

"Ginoong yan?"pagtawag ko sa pangalan nito

"Hmm?"bulong nito sa tenga ko kaya agad akong lumayo, akala ko nasa loob ng silid pa siya

"Paki bantayan si chen, pupunta lang ako sa gulayan"saad ko at hindi ko na ito hinintay pang sumagot at agad na lumabas ng bahay

Ang init ng panahon...

Ng makarating ako sa gulayan ay agad kung kinuha ang kahoy na timba at pumunta sa ilog

Ng maka kuha ako ng tubig ay agad akong bumalik sa mga tanim kung gulay, umupo ako sa harap ng patatas at agad na hinawakan ang dahon nito, mukang natuyot na ito dahil sa init at hindi ko na rin ito nabinyagan hindi din umulan, agad ko itong bininyagan at ganon din ang iba ko pang mga tanim mayroong mga bunga ang iba kaya kinuha ko na at nilagay sa balde na kahoy

Patawad, Mi Amor (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon