Kabanata •22

3 0 0
                                    

Madilim na ang paligid ng makarating kami sa bahay, pumasok muna kami sa para magbihis dahil basa ang aming damit sa kakalaro sa tubig

"Gab, malamig sa labas kaya mag jaket ka"saad ni ginoong yan kaya kinuha ko naman ang jaket ko at sinuot ito

"Ikaw din chan"saad din nito kay chan chan

"Ayoko po, kukuha na lang po ako dito ng jaket mamaya"saad ni chan chan

"Sige, tara na sa labas para makagawa na tayo ng apoy at makapag luto"saad ni ginoong gab kaya lumabas na kaming tatlo

"Mag iihaw po tayo ulit?"masayang tanong ni chan at sobrang saya nito ng umoo si ginoong yan, patakbo itong naunang lumabas, hindi naman ako nabahala dahil maliwanag naman ang sikat ng buwan

"Dito muna kayo, kukunin ko lang ang mga lulutuin"saad ni ginoong yan, tumango ako kaya umalis na din ito

"Halika dito chan, gagawa tayo ng apoy dahil kukuha si ginoong yan ng mga lulutuin"saad ko kay chan chan at umupo, lumapit ito sa akin at umupo din sa tabi ko

Nandito na kami sa labas at may tatlong malaking putol na kahoy dito na nagsisilbi naming upuan at sa gitna nito ay ang paglalagyan ng apoy, medyo malayo kami sa lalagyan ng apoy dahil masyadong mainit kapag malapit

"Tingnan mo ng mabuti kung paano ko gagawin ang apoy ng sa ganon ay matuto ka at magamit mo ito"saad ko kay chan

"Opo, palagi ko pong pinapanood ang mga ginagawa niyo"saad nito, alam ko na nakadungaw ito ngayon sa ginagawa ko

Kumuha ako ng tuyong kahoy para gawing panggatong at kumuha rin ako ng dalawang kahoy, kailangan mo pa ikaskas yung kahoy para makagawa lang ng apoy at limang minuto ang nakalipas at naamoy ko na ang usok at sa wakas ay nakagawa din ako ng apoy kaya nilagay ko na ito sa mga kahoy at bumalik sa pag upo, madali lamang siyang gawin ngunit kailangan mo ng mahabang pasensya para magawa ito.

"Ang galing!"magiliw na saad nito at lumapit sa akin

"Ngayon alam mo na kung paano gumawa ng apoy, sa susunod ay ikaw naman ang gagawa nito"saad ko sa kanya

"Opo"saad nito at umupo sa paanan ko

"Bakit po ang tagal ni kuya ginoo?"tanong nito

"Mukang naglinis pa siya ng isda at naghanda ng lulutuin"paliwanag ko kaya mabilis naman itong tumayo

"Tulungan ko lang po si kuya ginoo"paalam nito kaya tumango naman ako

Ng makaalis ito ay kinuha ko ang mga kahoy at nilagay ito sa apoy, hindi na ako nakaramdam ng ginaw.

Malaki ang tulog ng apoy, gaya ng pagluto ng pagkain at pagbigay init sa paligid kapag malamig ang panahon katulad ngayon.

"Kuyaaaa!"sigaw ni chan chan habang papalapit sa akin kaya tumigil muna ako sa aking ginagawa

"Hindi ba't sabi mo na tutulong ka?"tanong ko sa kanya

"Sabi po ni kuya ginoo na samahan na lamang daw kita at patapos na rin daw siya"saad nito at umupo sa tabi ko

"Magugutom kana ba?"tanong ko

"Hindi pa po"saad nito kaya hindi na lamang ako umimik

Ramdam kung umalis ito sa pagkakaupo sa paanan ko at lumapit sa akin, binabantayan ko lamang ang galaw nito hanggang sa maramdaman ko ang maliit nitong mga kamay sa pisngi ko, hinayaan ko lamang itong hawakan ang muka ko hanggang sa magsalita ito

"Napakaganda po ng muka ninyo ngunit"hindi niya pinagpatuloy ang kanyang pagsasalita ngunit naramdaman ko ang maliit at magaan nitong kamay na nakahawak sa aking mga mata

Patawad, Mi Amor (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon