Kabanata •9

17 4 0
                                    

|•

Nandito ako ngayon sa tabi ng karagatan at nasa likod lamang ako ng puno kung saan nakalibing ang aking ama at ina.

Dinadamdam ko ang malamig na simoy ng hangin, ngayon ang huling araw ng desyembre kung saan lumalabas ang napakagandang buwan, buwan na nagbibigay liwanag sa madilim na gabi.

Huling araw ng desyembre, wala na naman siya. Hindi ko na maibibigay ang pangako ko sa'yo, Sobrang dami kung gustong ipangako sa'yo.

Naaalala ko noon nong pumunta ako sa palengke at una kung nilapitan ay si lola at tinanong kung anong petsa at simula non ay binibilang ko na ang araw, kaya alam ko kung kelan magtatapos ang buwan..

"Ina, ama. Sobrang lungkot ko ngayong gabi, namimiss ko na ang aking kaibigan at nangungulila na naman ako sa inyo."saad ko na ikinatulo ng mga luha ko

Kahit ilang dekada pa ang nakalipas ay umaasa parin ako na makikita at mamayakap ko kayong muli.

"Ina, sobrang sakit na po"ina, ama. Patawarin niyo ako dahil ngayon na lamang ulit ako nakadalaw sa inyo bagamat may mga tungkulin ako na dapat kung gawin at ginagawa ko ang lahat ng 'to para sa inyo..

Simula nung araw na matagpuan ako ni master ay pumupunta ako rito kasama siya. Kapag nandito kami ay wala siyang imik at hinahayaan lamang akung umiyak sa harap ng puntod nila ina o 'di kaya ay hinihintay lamang niya ako sa ibabaw ng bundok at habang patagal ng patagal ay nasaulo ko na ang daan at hindi na ito muling sumabay sa'kin papunta rito, kapag nawawala ako sa bahay niya ay hindi na ito nag aabala pang hanapin ako dahil alam niya kung saan ako pumupunta..

Napatigil ako sa aking pag iisip at napayakap sa aking katawan ng makaramdam ako ng ginaw, hating gabi na at hindi ako pwedeng maabutan ng araw rito sapagkat madami pa akung gagawin..

Tumayo na ako at nagsimula ng umakyat paitaas ng bundok, kapag nasa taas kana ng bundok ay kagaya ng sinabi ni master ay makikita mo ang lahat ng mga puno at magandang tanawin, palagi kaming naglalakbay ni master at tumitigil kapag nasa taas na kami ng bundok, palagi akung pinag eensayo ni master dahil sa ayaw nito na mahina ako kaya sinunod ko lahat ng sinasabi nito..

Sinabi ko rin sa kanya ang tungkol sa kaibigan ko at hindi ko pa sinasabi ang lahat ng nanguari noon ay sinabi na nito na wala akung kasalanan, nung una ay nagtaka ako kung bakit niya iyon nasabi sapagkat wala siya noong nangyari iyon pero pinaliwanag nito na nangyari na din ang ganong pangyayari sa kanya at parehong tao lamang ang may gawa nun at iyon ay ang ama ni drake..

Kagaya ko ay nawalan din ng kaibigan si master ngunit siya ang dahilan kung bakit namatay ang kanyang matalik na kaibigan, sumakit lamang ang ulo nito habang nakikipaglaban at pagmulat nito ay nakita nito ang kaibigan na nakaluhod mismo sa kanyang harap habang ang espada nito ay nakatusok sa dibdib ng kanyang kaibigan, siya mismo ang pumatay sa kanyang kaibigan, labis na sakit at pagsisisi ang naramdaman nito kaya simula non ay umalis siya sa pagiging pinuno at tumakas dala ang katawan ng kaibigan nito, pumunta ito sa lahat ng angkan ng mga manggagamot pero walang magawa ang mga manggagamot dahil sa patay na ang kaibigan nito at wala nang natitirang kaluluwa sa katawan nito.

Nung buhay pa si master ay pumunta kami sa pinakadulo ng kagubatan, kini-kwento nito kung gaano kaganda ang paligid, kung gaano ka linaw ang tubig na dumadaloy dito sa sapa, mga bulaklak na mababango at masarap titigan, napangiti ako dahil don ko lang naramdaman ang saya nito at dun ko nalaman na dito pala nakalibing ang kanyang matalik na kaibigan, hinayaan ko lang siya hanggang sa nagsalita ito at sinabi nito na kung dumating man ang araw na mamatay siya ay gusto niya na dito siya ilibing sa tabi mismo ng matalik na kaibigan nito.

Napatigil ako sa pag iisip ng makarating ako sa harap ng gubat at hindi na ako nag aksaya ng oras at tinahak ko na ang daan papasok, habang papalapit ng papalapit ako sa bahay ay naamoy akung parang nasusunog kaya mabilis akung tumakbo..

Patawad, Mi Amor (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon