Kabanata •6

13 5 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas..

Nandito kami ngayun sa malamig na batis, nangunguha ako ng isda habang ang kasama ko ay naglalaro sa tubig

Gumaling na ang mga sugat nito sa katawan at bumalik na rin ang lakas nito sa katawan.

"Tumigil ka na sa kakalaro mo, alam mo bang hindi ako maka kuha ng isda dahil sa ginagawa mo?"naiinis kung saad kay ginoong yan na ngayon ay naglalaro, hindi ito tumigil at patuloy lamang ito sa paglalaro kaya hinayaan ko na lamang muna ito

"Wag kang mag alala ginoong gab, ako na ang mangunguha ng mga isda mamaya"masayang saad nito

"Ginoong yan"tawag ko sa kanya

"Bakit, may kailangan ka?"tanong nito

"Wala ka bang balak na umalis sa gubat na ito at bumalik sa iyong lugar?"tanong ko na ikinatigil nito sa paglalaro, ramdam ko ang paglapit nito sa pwesto ko

"Wala akung balak na umalis dahil wala naman akung mababalikan, gusto lang kitang sundan habang buhay"saad nito

"Hindi mo ako maaring sundan habang buhay ginoong yan, sapagkat madaming panganib ang naghihintay sa akin"saad ko

"Sabay nating haharapin ang mga panganib na dadarating, ginoong gab kaya sana ay hayaan mo akung manatili dito sa tabi mo"nakikiusap na saad nito, tumahimik naman ako at pinag isipan ng maigi kung paano ko ito mapapaalis.... Ayokong may inosenting taong madadamay

"Kung iniisip mong mapapaalis mo ako ay nagkakamali k--"

"Tsk, bahala ka na. sumama ka kung gusto mo sumama"walang paki kung saad, sumuko na ako dahil wala rin naman akung magagawa, pero hahanap parin ako ng ibang paraan

"Pumapayag ka ng dito ako?"masayang tanong nito

"Gawin mo kung anong gusto mo pero umalis ka muna sa tubig dahil mangunguha ako ng isda at dahil nagugutom na ako!"naiinis kung saad

"Ah hahahaha, ako na ang mangunguha para sayo"saad nito at kinuha ang matulis na kahoy sa kamay ko

"Akin na, hindi ka marunong!"saad ko at kinuha pabalik ang kahoy pero kinuha din niya ito agad

"Paano mo nasasabing hindi ako marunong, madali lang 'to!"saad nito kaya hindi muna ako gumalaw, pinakiramdaman ko ang galaw nito at malakas akung napatawa ng hindi nito matusok ang isda

"Shhh!"saad nito senyas na tumahimik ako pero patuloy lang ako sa pag tawa dahil hindi siya makakakuha

"Wag kang tumawa, natatakot ang mga isda sa tawa mo"inis na saad nito kaya tumigil na ako sa pagtawa

"Hindi ka lang talaga marunong ginoong yan, ibalik mo na sa akin ang kahoy at ako na ang mangunguha para mabilis tayong matapos rito"saad ko, sa wakas ay ibinalik niya ito sa akin

"Marunong ako nyan sadyang ayaw lang magpatusok ng mga isda"pagdadahilan nito

Hindi ko na pinansin ang pag rereklamo nito at tumayo na para kumuha ng isda, hindi muna ako gumalaw ng ilang minuto at pinakiramdaman ang mga isda at ng may dumaang isda ay agad ko itong tinusok, sunod sunod ang pagkuha ko at nilalagay ko ito sa kahoy na balde at ng makakuha ako ng limang isda ay agad akung umahon

Patawad, Mi Amor (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon