Kabanata •24

2 0 0
                                    

•YOHAN POV

Inayos ko na ang sarili ko at lumabas na ng bahay, nadatnan ko silang masayang nag uusap kaya nagtungo na ako sa mesa at tumabi kay gabriel.

"Mukang ang saya ng pinag uusapan niyo ah"biro kung saad

"Wala, hindi ka kasali"masungit na saad ni Gabriel na ikinatawa ni chan, imbis na mainis ako ay napangiti na lamang ako

Sobrang tanga ko para lokohin si ginoong Gabriel, hindi pa rin siya nagbabago, napaka bait pa rin niya.

Buong buhay ko ay pinagsisihan ko na sinaktan ko siya, kung nakikita niyo siya ay sigurado akong mawawala ang galit na nasa puso mo, ang nakapa inosenti niyang muka at mga ngiti na nakakatunaw, sobrang swerte ng taong makakasama niya....pagdating ng tamang oras

"Kuya ginoo yan, kanina pa po kita tinatawag, nagugutom na po ako"reklamo ni chan na ikina udlot ng isip ko, bumaling ako ng tingin kay chan na ngayon ay masamang nakatitig sa akin, oo nga pala may batang asungot pala kaming kasama

"Kumain na tayo"anunsyo ko kaya, kita ko sa muka ni chan na parang nabuhayan ito na para bang sinasabi na 'sa wakas kakain na'

"Ako na"saad ko ng akmang aabotin ni gab ang pagkain, kinuha ko ang pagkain at nilagyan ang mangkok nito, ganon din sa akin

Nagsimula na silang kumain habang ako ay hindi maalis ang titig kay gabriel na para bang ngayon lang kami nagkita, napabalik ako sa ulirat ng tumikhim ito

"Bulag ako pero nakakaramdam ako yohan"sabi ko nga, hindi na ako nagsalita at tinutok na lamang ang mata sa pagkain ngunit hindi mawala wala ang ngiti sa mga labi ko

"Sino po si yohan?"tanong ni chan na ikina ngiti ko pa lalo, baliw na ba ako?

"Yung baliw nating kasama"saad ni gab na ikinalaho ng ngiti ko, babawiin ko na ba ang sinabi ko na napaka bait niya?

"Akala ko po ba ginoong yan ang pangalan niya?"tanong ni chan kaya napabulong si gab na 'akala ko din'

"Po?"pagkaklaro ni chan

"Sabi ko tatlo ang pangalan ni kuya ginoo mo"saad ni gab na ikinataka ko ganon din si chan

"Una ginoong yan pangalawa ginoong yohan, ano iyong isa?"nagtatakang tanong ni chan kaya umabang din ako sa sagot ni gab

"Ginoong wilab"seryusong saad nito

"Ha?"sabay na saad namin ni chan, nag senyas ito kay chan na may ibubulong kaya agad naman na lumapit si chan at ilang sandali ay bilang tumawa ng malakas si chan at nakangisi na ngayon si gabriel

"Anong binulong mo?"nakangiting tanong ko sabay lapit sa kanya

"Lalayo ka o lalayo ka?"may pagbabanta nitong saad kaya umatras naman ako at bumalik sa pagkakaupo

"Hoy bata ano iyon?"sita ko kay chan pero tinawanan lang ako nito

"Tsk, isipin mo kasi"saad ni gab kaya nag isip naman ako

Ginoong wilab?

Ginoong wilab

Ginoong wilab

Gi-- baliw!!!!

"Ano! Sinong baliw?!"inis kung saad na ikinatawa nila pareho ngunit imbis na mainis ako ay napatulala ako kay gab

Ang ganda ng tawa niya, hindi nakakasawang titigan, kahit noon pa man ay palagi akong nakatitig sa mga ngiti niya. Naalala ko nong mag insayo kaming lahat sa paaralan na lahat ay ginoo ngunit naiiba siya sa amin, ang kanyang kulay na kasing puti ng binibini at ang napaka gandang muka nito na minana niya sa kanyang ina, madaming humahanga sa kanya noon, mapa ginoo o binibini ito..

Patawad, Mi Amor (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon