NAKARAAN

70 7 0
                                    

May isang matalik na kaibigan akung nagngangalang yohan pero malayo kami sa isa't isa bale nagkakilala lang kami nong mga panahon na pumunta sina ina sa aguerri kung saan sila nakatira, pumunta kami sa bahay nila dahil matalik na magkaibigan ang aming mga magulang at ipinakilala kami sa isa't isa at doon na nagsimula ang aming pagiging magkaibigan. Simula non ay sabay kaming nag aral kahit malayo ang bahay namin ay hindi naman ako natatakot umuwi ng gabi, sabay kaming nag eensayo sa pag gamit ng espada at sabay din kaming natuto.

Ang ina ko at ang ina ni yohan ay isa sa mga pinaka malakas na assassin sa lahat ng mga angkan kaya mahigpit din sila sa amin dahil gusto nila na matuto kami kagaya ng ginagawa nila kaya sinunod namin ang sinabi nila, naging magaling kami sa pag gamit ng espada na siya namang ikinasaya ng mga magulang namin, may mga labanan na nagaganap tuwing may okasyon at kami palagi ang nananalo

May nakakababatang kapatid si yohan na si ayen, si ayen naiiba siya sa amin dahil sa sakit ito aa puso at hindi niya maaring gawin ang mga ginagawa namin pero palagi naman itong sumasama sa amin sa ilog para mangisda, pumapayag lang ang ina ni yohan kapag na sumama si ayen sa amin kapag magkasama kami para maprotektahan namin si ayen kaya nakakasama namin siya kapag maglalaro sa ilog.

Pero nagbago bigla ang lahat ng may bumalita sa akin na nasunog ang bayan ng Aguirre kaya nagmadali akung umuwi para maipalam kina ina at ama ang nangyari

"Ina! Ama!"pagtawag ko sa kanila ng makapasok ako sa bahay, pumunta ako sa silid aklatan dahil paniguradong nandoon si ina, kumatok muna ako bago pumasok

"May kailangan ka?"pagtanong nito, yumuko muna ako bilang pagbigay ng galang

"Ina! Ang bayan ng aguirre ay sinunog ng mga hindi kilalang grupo"napatayo ito dahil sa sinabi ko

"A-ano? Kamusta ang kalagayan ng mga atienza?"pagtatanong nito tungkol sa mga magulang ni yohan

"Hindi ko pa alam ang tungkol doon ina kaya kung papayag kayo ay pupunta ako doon ngayon mismo para tignan ang kalagayan nila yohan"pagpapaalam ko sa kanya, ilang minuto pa itong nag isip bago ako nito sinagot

"Hindi ko pwedeng iwan ang bayan natin kaya pinapayagan kitang pumunta roon upang matignan ang sitwasyon ng mga tao sa aguirre, magpadala ka ng sulat pagkarating mo doon"nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nito, ngumiti ako at tumango

Patawad, Mi Amor (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon