Kabanata •3

19 5 0
                                    

Nakarating na ako sa bahay kaya pumasok na ako sa loob at nadatnan ko itong nakahiga, dumiretso ako sa maliit na kusina para ilagay sa mangkok ang pagkain na binili ko kanina sa bayan. Ng mailagay ko na sa mangkok ang pagkain ay pumanhik na ako sa maliit na silid para gisingin ito at para makakain upang mapabilis ang pagbalik ng enerhiya nito.

simula nong tinulungan ko ito ay wala akung ibang naramdaman kundi lungkot at pinaghalong kasiyahan, hindi ko batid maintindihan kung bakit ganito na lamang ang aking imosyon, siguro ay naawa lang ak--

Naputol ang aking pag iisip ng biglang sumakit ang ulo ko, nakahawak ang isang kamay ko sa ulo ko at ang isa naman ay nakahawak sa haligi ng bahay para hindi ako matumba, may isang imahe na hindi klaro na lumitaw sa isip ko pero agad iyong nawala, napaupo ako dahil nawawalan na ako ng lakas ng enerhiya, pag iniisip ko ang imahe na yun ay mas lalong sumasakit ang ulo ko

Umayus ako ng upo at pumikit ako at huminga ng malalim para ipahinga ang isip ko, iwinaksi ko lahat ng nasa isip ko.

Ilang minuto pa ang itinagal at ng manumbalik ang lakas ko at nawala na ang sakit ng ulo ko kaya tumayo na ako, kinakapa ko ang haligi para malaman ko kung saang direksyon ako nakatuon, naglakad ako papunta sa kung saan nakahiga ang estranghero, mahinang niyugyug ko ito upang magising pero hindi man lang ito naalimpungatan, hinawakan ko ang kamay nito pero agad ko din itong binawi dahil sa init ng kamay nito, agaran akung umupo sa gilid ng higaan nito at kinapa ang noo nya

Nag aapoy ito sa lagnat

"Ginoo?"pagtawag ko dito at mahinang tinatapik ang muka niya

"Ginoo gumising ka!"hindi parin ito nagigising, wala syang malay!!

Agad kung inangat ang ulo nito at pinasandal sa kahoy na pader sa may ulohan nito, tumayo muna ako at pumunta sa kusina para mag init ng tubig at ng may ipangpunas sa kanya

Ilang oras akung nawala at natagalan sa bayan kaya ito nawalan ng malay, siguro kung hindi pa ako nakauwi ay mas la-lala ang kalagayan nito dahil hindi pa magaling ang mga sugat nito at mahina pa ang enerhiya nito sa katawan na syang magdudulot ng pagkawala ng lakas at manghihina ng tuluyan ang katawan nito.

Ng kumulo na ang tubig ay sinalin ko ito sa palanggana at nilagyan ng malamig na tubig para maligamgam lang, kumuha ako ng tela para ipang punas. Pumasok na ako at nilagay ang mangkok sa maliit na mesa sa tabi ng higaan nito, kinuha ko ang tela at piniga ito, sinimulan ko ng punasan ang noo nito para mabawasan ang init.

"Wag mo akong hawakan!"nanghihinang saad nito at pilit na pinapalayo ang kamay ko, hindi ko na lang ito pinansin at bumalik sa ginagawa ko

Kinapa ko ang damit nito at tinaas para kunin ang piraso ng tela na nakatakip sa sugat nito sa tagiliran, maingat kung dinampi ang maligamgam na tela sa gilid ng sugat nito, at ng malinis ko na ay kinuha ko ang patalim na nasa tagiliran ko at agad na pumutol ng malinis na piraso ng tela at tinakip ulit ito sa sugat nya, may kinuha akung dahon na gamot sa labas, pinainit ko muna bago nilagay sa noo niya at kumuha ulit ng tela na ipangtali sa noo nito para hindi mahulog, inayus ko na ang damit nito at inayus ang kumot nito bago lumabas.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng mangkok, nilagyan ko ito ng kaunting bigas at nilagyan ng tubig na sakto para sa lugaw matapos ay nilagaya ko na ito sa apoy, maghihintay ako ng limang minuto para kumulo ang bigas, habang naghihintay ako ay hiniwa ko muna ang karot at patatas, maliliit ang paghiwa ko. Ng matapos kung hiwain ay nilagay ko na ito sa kumukulong mangkok at pinabayaan ng ilang minuto..

Patawad, Mi Amor (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon