Kabanata •17

5 1 0
                                    

Kalahating oras na akong nakaupo sa higaan ko habang hinihintay na magising si yohan o si ginoong yan

Gusto kong hawakan ang muka nito ngunit hindi maari, pinipigalan ko ang aking sarili na puntahan siya sa kanyang higaan dahil baka magising ito bigla..

Napagpasyahan kung tumayo para lumabas at magluto para may kainin ito pag gising niya pero hindi pa man ako nakakarating sa pintuan ng tawagin ako nito

"Gab"napatigil ako sa paglalakad at pinuntahan ito

"Nandito ako"saad ko at hinawakan ang kamay nito, ramdam ko ang pamamasa ng kanyang kamay kaya hinawakan ko ang noo nito at basang basa siya sa pawis. Akmang aalis ako para kumuha ng pampahid ng magsalita ito

"Saan ka pumunta?"tanong nito gamit ang seryusong boses

"May mga bagay lamang akong inayos"saad ko at aalis na sana ng hawakan nito ang kamay ko kaya napaupo ako sa higaan nito

"B-bitawan mo muna ako, ikukuha lang kita ng ipang p-pahid sa pawis mo"utal kung saad ngunit imbis na bitawan ako nito ay mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko

"Ginoong yan"matigas kung saad dahil ramdam ko na ang sakit ng pagkakahawak nito sa pulsuhan ko

"Alam mo bang sobra ang pag alala ko dahil sa ginawa mo"saad nito gamit ang malamig na boses na siyang ikinabahala ko kaya pilit kung binubukas ang palad nito na naka hawak sa kaliwang kamay ko

"Ginoong y-yan, huminahon k--"hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng pwersahan ako nitong hinila na siyang ikinahiga ko sa kanyang hinihigaan kanina, nagkapalit kami ng pwesto kaya siya naman itong nakaupo ngunit hindi parin bumibitaw ang kamay nitong nakahawak sa pulsuhan ko

Lahat ng saya na naramdaman ko habang tinatahak ko ang daan pauwi ay unti unti itong naglalaho dahil sa hindi ko malamang dahilan, nasasaktan ba'ko?

"Ginoong yan, paumanhin sapagkat hindi kita naisama subalit iyon ang makakabuti"paliwanag ko

"Umalis ka ng walang iniwang sulat, wala akong kaalam alam kung saan ka pumunta, iniwan mo na lang ako ditong may mga karayom na nakatusok sa katawan ko, hindi ko maigalaw ang buong katawan ko, bakit mo iyon ginawa"pahina ng pahina ang boses nito, hindi ko ininda ang hapdi ng aking pulsuhan at pinakinggan na lamang ang sinasabi nito at lumuwag na rin ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko

Yohan....
Patawarin mo ako sa aking ginawa, pangakong hindi na iyon mauulit..

"Patawad"saad ko at akmang babangon ng mabilis nitong itinaas ang kaliwang kamay ko sa ibabaw ng aking ulo. Hindi ako nanlaban at hinayaan na lamang ito

"Bakit mo'ko i-iniwan?"mahinang tanong nito

Kasalukuyan ba ang tinutukoy mo o ang ating nakaraan?

"Yan"sambit ko sa pangalan nito ng maramdaman kung pumatak ang luha nito sa pisnge ko, ramdam ko ang panginginig ng kamay nitong nakahawak sa kamay ko hanggang sa napahiga na lamang ito sa ibabaw ko

"Patawad"iyon na lamang ang lumabas sa bibig ko

Mahabang minuto ang tinagal namin sa pwestong ito hanggang sa naging kalmado ito, malalim na ang paghinga nito kaya alam kung nakatulog siya.

Bumangon ako at ipinahiga ito sa kanyang higaan, umayos ako ng tayo at inayos ko na ang damit kung nalukot. Napangiwi ako dahil sa hapdi ng pulsuhan ko.

Kinuha ko ang malinis kong damit na nasa aking higaan at agad itong ipinahid sa kanyang noo na puno ng pawis matapos ay lumabas na ako ng silid at dumeretso sa kusina.

Patawad, Mi Amor (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon