Chapter 2

391K 6.2K 474
                                    

Chapter Two

"Mahulog"

Ilang araw na lang ay third year highschool na ako. Sinandal ko ang aking ulo sa backrest ng upuan ng bus.

Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata at nagbuntong hininga.

Alas sinco na ngayon ng hapon. I still have about two hours until I reach San Fernando City.

Katatapos lang ng bakasyon ko doon sa Manila. Yes, taon-taon parin akong nagbabakasyon doon sa Manila upang makasama si Eleven. May condo na nga ako doon na binili ni Dad para sa akin.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng bus. Sumisikip ang dibdib ko habang inaalala ang nangyari doon sa naging bakasyon ko ngayon sa Manila.

Hindi ko parin halos matanggap na ito na yata ang pinakahuling beses na makakapagbakasyon ako kasama ni Eleven. Nakapagtapos na si Eleven ng highschool. Two years ahead naman siya sakin. And now he's off to college.

Akala ko naman talaga na sa Manila lang mag-aaral ng college si Eleven. I didn't expect at all na pupunta na siya ulit ng New York. He's going to study business there. Balang araw ay siya na ang mamamahala ng kumpanyang tinayo ng dad niya.

Kinagat ko ang aking labi. Nanlalabo na ang paningin ko at pinahiran ko na lamang ang aking mga luhang nanggigilid sa aking mga mata.

I really.. really hoped that Eleven will study college in Manila. Dahil plano ko rin ay doon ako mag-aaral. Para sabay kami, para magkasama kami. Kaming dalawa ni Eleven.

I can't believe this will be the last two months of summer na makakasama ko si Eleven.

Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong may nagtext. Lumitaw ang pangalan ni Rance sa screen ng aking cellphone.

From: Rance

Text me when the bus arrives. I'm waiting.

Napabuntong hininga ako habang binabasa ang mensahe.

Si Rance kasi ang laging naghahatid sundo sakin sa terminal tuwing pumupunta ako ng Manila. Well, siya ang tagahatid-sundo ko sa lahat ng lugar na pupuntahan ko. Mula sa school, sa mall, kahit saan.

Bandang alas sayis na nang huminto ang bus sa terminal. Kumagat na ang dilim. Walang gana kong sinuot ang aking malaking bag sa aking likod. Inayos ko ang aking suot na hoodie at shorts. Nakasuot lang ako ng simpleng gladiator flats at nakatali sa isang bun ang aking mataas at manipis na buhok.

Paglabas ko ng terminal ay magtetext na sana ako kay Rance. Pero..

"There you are." narinig ko na ang malalim niyang boses mula sa aking likuran.

"Hey." Paglingon ko ay tumambad sa akin ang isang nakangiting lalake na nakasuot ng kulay puti na v-neck shirt at simpleng jeans at sapatos. Nadedepina ang kanyang matitigas na muscles sa katawan dahil sa manipis na tela ng kanyang suot.

He towered over me. Matangkad ako pero mas matangkad yata ng isang ruler si Rance kaysa sa akin.

"Hey.." tumango lang ako ng mahina at humarap na sa kanya nang nakatungo.

"Your bag, Brooks." ani Rance at tahimik siyang lumapit na siya sa aking likuran. Kinuha niya ang aking mabigat na bag mula sa aking likod. Hinayaan ko lang siya habang ginagawa niya 'yon. Tahimik niyang sinuot sa kanyang likod ang aking bag.

Ayoko pang magsalita. Tumikhim lang ako at tumingin sa baba. I just.. I still don't want to accept the fact that Eleven will leave for New York.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon