Chapter 30

252K 4.6K 648
                                    

Chapter Thirty

"Nagpalandi"

Hindi ako hinatid ni Rance sa Forta Elle's kinabukasan. Nagtext lamang siya sa akin na kailangan raw siya doon sa resort. His dad's party is a very important and grand event, maraming dadalo na mga importanteng tao, business personalities, and even celebrities are expected to come. Kaya siguro ang busy niya.

Nagbabad na lamang ako sa trabaho ko sa opisina. Inayos ko ang mga papeles at mga schedules ng mga catering. Marami kaming mga catering event ngayong December. Isa na doon ang anniversary ng resort ni Rance.

Hindi nagtext si Rance sa akin kung kailan niya ako susunduin sa Forta Elle's, kaya nang nag alas sinco na ng hapong ay umuwi na lamang ako sa bahay. I still have to prepare for the party. Kinabahan akong makikilala ko na ang kanyang dad. Kinabahan ako na makikita ko na ulit si Rance.

To: Rance

I'm home. Maghihintay na lang ako sa iyo rito pagkatapos kong magbihis?

I took a wash when I got to my room. Pagkatapos ay nagsuot lang ako ng robe at umupo ako sa harap ng side table ng aking kwarto. Humarap ako sa salamin at nagbuntong hininga. Well, time for make-up.

Matagal-tagal na akong hindi nakapag-ayos ng gaya dati. Lagi akong nagmemake-up at nagsusuot ng magagandang damit para ni Eleven dati. Ngayon ay light na lamang akong mag-make up at kuntento na ako sa simpleng blouse at skinny jeans. Tumikhim ako bago sinimulan ang pagmemake up.

I curled the ends of my hair. Tinali ko ito sa isang simpleng side ponytail. Pink lipstick ang ginamit ko, and light shades for my eyes.

I wore the dress Rance bought me. Pati ang kanyang binili na kwintas at bracelet ay sinuot ko. Umupo ako sa aking kama upang isuot na rin ang heels.

Humarap ako sa salamin. Rance really does know how to pick. Bumabagay ang pale pink sa suot kong gold na jewelry. Hinawakan ko ang pendant ng kuwintas kong hugis araw. It was so beautiful and rare. Humugot ako ng malalim na hininga.

This is it, Brooks. You are telling him tonight.

Halos hindi na ako makatulog kagabi dahil sa kaiisip kung kailan ko ba sasabihin sa kanya. Tama si Daven, Rance deserves to know. Whatever the consequences are, if it's for the baby, sasabihin ko na lamang kay Rance. And tonight, I will. Lumunok ako.

Tumunog ang aking cellphone.

From: Rance

I'm here.

Kumalabog ang aking puso. Nandito na siya. Natigilan lamanh ako nang kumatok si Aling Jera sa aking pinto.

"Hija, nasa baba na po si Sir Rance at hinihintay ka na." Ani Aling Jera mula sa labas ng pinto.

"O-Opo." sagot ko.

Ilang segundo akong nanatiling nakaupo. Humarap ako sa salamin. Ito na.

Maingat akong bumaba ng hagdan. Natatakot akong baka madulas pa ako at mahulog. That would be dangerous for my baby.

"Naku, andyan na po si Ma'am Brooks, Sir Rance!" Naririnig ko na si Aling Jera na pumalakpak.

Nang bumaba ako ay nakita ko na si Aling Jera na malaki ang ngiti sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. And then I saw Rance.

He was wearing an all black tux. Mula ulo hanggang paa ay para siyang hindi tao. He looked immortal. Masyado talagang perpekto ang bawat sulok at anggulo ng kanyang katawan. He looked so manly, so definite. Rance was oozing with appeal. Nang nagtama ang aming mga mata ay parang tumigil ang mundo, parang bumagal ang oras.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon