Chapter 32

249K 4.6K 642
                                    

Chapter Thirty Two

"Malamig"

"So.. I guess you already heard about the articles.." Tumingin si Anikka sa baba habang sabay kaming naglalakad sa buhangin. We were strolling down the shore.

Inimbita ako ni Anikka na maglakad kaya sumama na lamang ako. Tutal ay narito na ako sa resort.. kahit na wala na pala dito ang taong pinuntahan ko sana.

"Articles?" Wala sa sarili kong sagot.

Anikka was a bit taller than me, she had a slimmer, slender body. I'm slim too but she's just taller, kaya mas obvious ang kanya. Chinita din siya, pareho sila ng kanyang kuya. Her hair was dancing with the breeze. She really is very pretty.

Bumaling si Anikka sa akin at nakita ko ang pamumungay ng kanyang mga mata.

"Tungkol kay Rance at sa akin, Brooks."

Nanuyo ang aking lalamunan dahil sa kanyang sinabi.

Marahan na lang akong tumango at tumingin sa buhangin na natatapakan ng aking mga paa sa bawat hakbang.

"Brooks, it is not true that we're engaged." Umiling si Anikka. "Pinagplanuhan lamang nila ni Tito 'yon mula pagkabata pa namin. Pero alam naman nila na pareho kaming may ayaw sa mga gusto nila."

Mula pagkabata? Tahimik na lang akong tumango.

Ilang segundo kaming nanatiling tahimik bago tumikhim si Anikka at nagsalita ulit.

"You left early at the party last night. Didn't you?" Tanong niya. "Kahit walang sinabi si Rance sa amin pagbalik niya sa table mag-isa kagabi ay alam ko nang may problema. Sobra niya kasing tahimik at... parang nawalan na siya ng gana. It was not like him.." Aniya. "Nalaman ko na lamang kay Tito na pumunta na pala siya ng Manila to fly for Taipei. Hindi pa tapos ang party kagabi ay umalis na siya kaagad.."

Everything became silent. Ang tanging maririnig lang namin ay ang tunog ng dagat sa aming gilid.

"Brooks.." aniya at humarap na siya sa akin. "If this arrangement thing is the reason why Rance and you are having a fight, I'm really sorry."

Tumingin na lamang ako sa kanya. She looked at me with all the sincere.

Umiling ako at binigyan siya ng ngiti.

"No, Anikka, wala ka namang kasalanan.. You don't need to be sorry about anything." Sabi ko.

Pero para padin siyang hindi naniwala sa aking sinabi. Nanatili siyang nakatitig sa akin.

Tumikhim siya.

"Okay na ba kayo ngayon?" Tanong niya. "I mean, he's flying to Taipei.. so.."

Umiling lamang ako't tumingin ulit sa baba bilang sagot.

Natahimik si Anikka pagkatapos kong umiling.

"Oh.. Brooks.." Narinig ko ang simpatya ng kanyang boses. Kahit hindi niya alam kung ano talaga ang nangyari sa amin ni Rance ay parang alalang alala na talaga siya.

"Um.. Did you call him?" Tanong niya.

Tumango lamang ako ng marahan. "Kanina.. pero hindi siya sumagot."

How can he accept my calls if he's still probably on board in a plane right now? Maybe he is even in Taipei now.

"Hindi mo siya tinawagan kagabi? Wait.." Tiningnan niya ako. "You two haven't talked to each other since last night?"

Hindi ko magawang tumingin sa kanya. At wala rin akong ibang nagawa kung umiling.

Ilang segundong nanatiling tahimik si Anikka. Na para bang siya rin ay namomroblema na din sa nangyari sa amin ni Rance.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon