EPILOGUE

394K 8.1K 1.8K
                                    

This is it. Thank you sa lahat. See you in Rough to Love. xoxo
-----------------------------

EPILOGUE

Pagmulat ko sa aking mga mata ay pakiramdam ko ilang oras na akong nakatulog. Kumurap kurap ako, at nakita ko ang aking sarili na nakahiga sa isang kulay baby blue na kwarto.

Ilang segundo akong tumingin tingin sa paligid bago bumalik ulit sa akin ang lahat ng mga nangyari kanina.

Nanlaki ang aking mga mata. I sat up immediately, at lalo akong nagulat dahil nawala na ang baby bump ko. Oh my god!

"Brooks!" Sa tabi pala ng kama ko ay nakaupo sa isang stool si Mommy Kristabelle.

Agad akong napatingin sa kanya.

"M-Mommy.." nabasag kaagad ang aking boses.

Anong nangyari? Bakit napunta ako dito sa kwartong ito? Nasaan si Baby Ella? Nasaan si Rance?

Mommy K reached out to me, tumayo siya at umupo sa gilid ng aking kama upang salubungin ako sa isang yakap.

Habang niyayakap niya ako ay unti-unti kong naaalala ang lahat ng mga panyayari bago ako napunta dito sa ospital.

Natulala ako sa aking kinauupuan nang unti-unting bumalik sa aking isipan ang nangyari... kay Rance.

"Mommy, si Rance po.. Nasaan po si Rance?" Tanong ko. "Ang Baby ko po.. Si Baby Ella? Nasaan po siya?"

"Brooks, huminahon ka.." Ani Mommy K. "Kailangan mo pang magpahinga.."

Kumunot ang aking noo dahil sa sinagot ni Mommy K.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto.

"Miss Fortaleza?" Pumasok ang isang doctor at isang nurse. Si Mommy K ay agad na tumayo at napaharap din sa kanila.

Kumalabog ang aking puso nang nakita kong may dalang isang sanggol ang katabing nurse ng doctor.

"Heto po ang anak niyo, miss." ngiti ng nurse habang papalapit siya sa akin.

Sumikip lalo ang aking dibdib nang nakita ko sa unang pagkakataon.. ang aking baby.

Lumunok ako at hindi ko na halos mawari kung ano ang pakiramdam ko sa unang pagkakataon kong hawakan siya.

"She's beautiful.." umupo ulit si Mommy K sa aking kama upang tabihan ako't tingnan rin ang sanggol. "Manang mana sa'yo, Brooks."

She was so little, so fragile. And she took my breath away. Namumula pa din ang kanyang napakalambot at sensitibong balat. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko habang nakatingin sa kanya.

"Baby.. Ella.." I couldn't even talk right anymore. Nabasag na ang aking boses sa sandaling binanggit ko ang pangalan ng aking baby. Tumulo kaagad ang aking luha dahil naalala ko ang lalakeng nagbigay sa kanya ng pangalang iyon, ang lalakeng nagbigay ng buhay sa kanya.

"Mommy.. Si Rance po. Nasaan po si Rance?" Nilingon ko si Mommy K.

I waited for an answer. Pero nang hindi siya sumagot ay tuluyan nang bumasag ang aking puso.

Oh my god...

Higit pa sa sumikip ang aking dibdib habang hawak ko ang aking anak. Aming anak. Anak namin ni Rance.

"Brooks!" Biglang may pumasok nang mga tao sa loob ng kwarto.

I first saw Camille, Anikka, and then Daven, Kristella and Chelsea. Ang mga kaibigan ni Rance ay wala.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon