Chapter 36

295K 5.4K 483
                                    

Chapter Thirty Six

"Unwanted"

Rance slept right next to me that night. Walang nangyari sa amin. But I let him spend the night. Buong gabi ay nakaharap at nakayap lang siya sa akin. And I was happy.

Gumising ako na wala na siya sa tabi ko. Nagtataka na sana ako kung nasaan kaya siya pero may nasisimhot na akong agahan mula sa baba.

Bumaba ako at kusang dumeretso ang mga paa ko papunta sa kusina. At pagdating ko ay tama nga ang aking hula. Nadatnan ko si Rance na nakatalikod at seryosong nagluluto na nga sa kusina.

I lent him one of dad's big white shirts from last night. Maluwag ito sa kanya, unlike all his other plain white fitting shirts. Nakasuot din siya ng simpleng shorts na pagmamay-ari pa din ni dad. I wonder if it's too loose on him too, cuz dad really seems a lot bigger than him.

"Bakit maaga kang gumising?" Nagsalita na ako. Halos mapatalon nga siya dahil sa bigla kong pagdating. Parang hindi niya inasahang madadatnan ko siyang nagluluto.

Our eyes met. Umagang umaga pa nga at magulo pa ang kanyang buhok. Halos gusto kong matawa dahil sa kanyang hitsura. I never seen him look this wacky but nevertheless still look so handsome.

"Good morning." unti-unti na siyang humarap sa akin at ngumiti. Damn that smile.

Tumikhim na lamang ako at nag iwas ng tingin. Naglakad ako patungo sa ref at naghanap ako ng gatas sa ref dahil nauuhaw ako.

"I wanted to cook some breakfast." naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.

"What are you cooking?" Tanong ko habang nilalabas na ang isang box ng freshmilk

"Just american breakfast and some fruits. Bumili ako ng ingredients sa palengke kanina."

Napatingin ako sa kanya at nagtaas ako ng kilay. Ang aga niya nga talagang gumising kanina. At pumunta pa talaga siya sa palengke? 

"Oh hijo, hija?" Naputol lang ang aming titigan nang biglang dumating si Aling Jera.

"Good morning po, Aling Jera." bati ni Rance kay Manang.

Ngumiti lamang si Aling Jera habang tiningnan niya kaming dalawa.

"Oh bakit ikaw ang nagluluto ng agahan, Sir Rance? Ako dapat ang nagluluto ngayon para sa inyong dalawa eh." ani Aling Jera.

"No, it's alright Aling Jera. I wanted to cook for you two today." ani Rance sabay tingin sa akin. 

Tumango naman si Aling Jera at nakangisi siyang tumingin sa akin. Nakaramdam ako ng panginginit sa aking mga pisngi nang tumingin ako kay Rance at nakita kong nakatingin na din pala siya sa akin. Nginitian niya ako.

Uminit ng husto ang aking mga pisngi.

"I-I'll be in the living room then." Umupo ako sa sofa ng living room at nanood na lamang ako ng tv mag-isa. Narinig ko ang mga boses ni Rance at Aling Jera mula sa loob ng kusina na para bang nagkekwentuhan na silang dalawa ng mga kung anu-ano. Napabuntong hininga na lamang ako. Well, that's Rance and his never dropping charisma towards the elderly.

I wanted to remind myself that I'm still a little pissed that he was making out with another woman last night. 

Hindi nagtagal ay tinawag na ako ni Aling Jera upang umupo na't kumain na ng agahan.

Rance was still busy with the preparing, pinaupo ako ni Aling Jera sa round table ng dining area at umupo na din siya nang nakangiti sa aking harapan. Mukhang mas excited pa nga si Aling Jera kaysa sa akin.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon