Chapter 39

326K 5.5K 741
                                    

Chapter Thirty Nine

"Money"

"Good morning!" Umagang umaga pa lang ay si Rance na kaagad ang una kong makikita. It's been months already but he still never fails to wake up early just to cook breakfast for the both of us.

Rance was wearing a simple plain white sando top, nakasimpleng shorts, at tsinelas. Tumalikod siya ng isang beses upang tingnan ulit ang kanyang niluluto.

The sunlight peeked through the bare glass windows of his kitchen and the shadows of his well-toned muscles from his shoulders to his back defined every single detail of it. Medyo magulo ang kanyang buhok, pero dahil clean cut lang ito ay hindi masyadong halata. He always looks so clean and breathtaking.

"Morning." ngiti ko saka lumapit na ako sa kanya para tingnan ang kanyang ginagawa sa stove. Naka-daster lamang ako dahil hindi na talaga kasya sa akin ang mga t-shirt bilang pambahay.

Hinarap niya kaagad ako at hinawakan niya ang aking bewang para mapalapit ako sa kanya.

He kissed me on the forehead.

"I already made some vegetable salad, it's on the table. You hungry already?" Napapaos ang kanyang boses habang gwapong nakangiti sa akin. Damn, how this man's smile still makes my heart skip a beat.

"We're okay." Umiling ako't ngumiti. Ako naman ang humalik sa kanya. I kissed him on the lips. "Gusto ko sabay tayong kakain."

Lalong napangiti si Rance dahil sa aking ginawang paghalik sa kanya. He bit his lip with that same as always killer smile. Kahit ilang taon ko nang nakita ang ngiting 'yan ay hindi talaga ako kahit kailan nagsawa.

"How's our angel?" Tanong ni Rance saka bumaba ang kanyang tingin sa aking tiyan. He caressed my already 8th-month old baby bump.

Rance leaned down to kiss my tummy. Malaki na ang aming baby. I'm already eight months pregnant, kaya malaki na talaga ang bump ko.

"Morning too." bati ni Rance kay baby.

Pagkatapos niyang bumati at halikan ang aking tiyan ay tumayo na ulit ng maayos si Rance upang matingnan na ako. His hands moved from my tummy, to my hands, and up towards the sides of my face to give me a kiss on the nose.

"Tell me if you are feeling any recent pain or dizziness, alright? Next month will be the expected date already, so we must be more cautious." Aniya habang nakatingin sa aking mga mata ng seryoso.

"Oo na." I chuckled. "Lagi mo namang sinasabi yan."

Umigting ng bahagya ang panga ni Rance.

"I just don't want anything bad to happen to you two." Aniya.

Napangiti ulit ako.

"Anong oras pala tayo pupunta kay doktora mamaya?" Tanong ko.

"Ten o'clock." sagot niya agad.

Tumango ako. 

Ngumisi na ako at hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya upang makita ko ang kanyang magiging reaksyon.

Nakita kong napalunok siya bago tumango.

"Hm.." Naglakbay ang kanyang mga daliri sa gilid ng aking mukha at nilagay niya ang aking takas na buhok sa likod ng aking tenga.

"Ano?" Kumunot ang noo ko habang nakangiti pa din.

Nagtama ang aming mga mata ni Rance at umiling siya.

"Nothing.." aniya. "I'm just..."

"You're nervous?"

Natigilan kaagad si Rance. Unti-unti siyang umiwas ng tingin. It was obvious what he was trying to say.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon