Chapter 24

302K 4.8K 396
                                    

Natapos narin ang finals. Yehey. Pasensya ulit sa matagal na UD. Had to study talaga. Salamat din talaga ulit sa paghihintay. Hehe.
------------------------------

Chapter Twenty Four

"Kailangan Niya"

Nagtatago pa din kami ni Camille sa veranda. Rance and Pierce were now talking with each other near the receptionist's table... and that girl is still with them.

I can't help but stare at Rance. The way he smiled with that girl. Parang... ang tagal na nga nilang magkakilala. They look close. Are they close?

"How does Rance's dad know her?" Tanong ko kay Camille at panay pa din ang titig ko kina Rance.

Pero imbes na sagutin ako ay bahayga niya akong itinulak palayo.

"Why are you asking me? Tss." Malditang tinulak ako ng bahagya ni Camille sa balikat. "Lumayo ka nga!"

Tumaas ang kilay ko sa kanya. Ugh. Bahala nga siya. Umiling iling na lang ako't binaliwala ang pagmamaldita ni Camille sa akin. Bumaling ako kina Rance.

So.. she's an architect? She's the one in-charge with the design of the new building in Rance's resort. At ang dad pa ni Rance ang nagrecommend sa kanya. Siguro ay sobrang galing niya nga sa kanyang trabaho. Well, looking at her, she has an aura of a successful woman. Napalunok ako.

Biglang dumating narin yung ibang mga kaibigan ni Rance.

"Oh my god. Daniel! You guys!" Mahinhin pero masiyahin ang boses ng babae.

Daniel, Aaron and Cairo were walking together. All of them were in their rashguards and kahki shorts, pareho ring may mga towel na nakasabit sa kanilang mga balikat. Nakukuha nila ang atensyon ng halos lahat ng taong nadadaanan nila. The view of those muscles and all their hair were soaking wet. Mukha ngang galing silang mag enjoy sa dagat.

"Anikka!" Nang makita nila sina Rance kasama yung babae ay agad silang lumapit.

So her name is Anikka?

Maxwell was behind the three. Nagulat ako kasi halos hindi ko siya napansin. Bakit ba naman kasi naglalakad lamang siya sa likuran? Hindi siya nakasuot ng rashguard gaya ng tatlo, Maxwell was wearing a clear white v-neck. Kaya sa kanilang tatlo ay ang katawan niya ang pinakakumikislap. Nadedepina ang matitigas niyang mga muscles. From those broad shoulders to those tempting abs. And to think that his face is as perfect and jaw-dropping as his body, nakakakuha talaga siya ng atensyon. Those Brazilan features are really not failing to show.

"Long time to see!" Masayang lumapit sina Daniel. She stood between Rance and Pierce.

Sa kanilang tatlo ay si Maxwell ang pinakamabagal lumapit. He doesn't even seem to be in the mood. Kanina lang ay siya pa sana yung pinakapormal na nakikipag conversation. Anong nangyari sa kanya ngayon na nandito si Anikka?

"Oo nga. It's been years." Ngiti ni Anikka. Ngayon ay nasa harap na niya sina Daniel, Aaron at Cairo. Si Maxwell ay nasa likod lang at tahimik na nakapamulsa. "Hindi na kasi kayo nagsasama sama ni Kuya."

"Tss. More like ang kuya mo ang hindi madalas sumasama." Ani Daniel. "Masyado kasing workaholic yan. He sucks at hanging out."

"What do you expect from our busy doctor friend?" Ngisi naman ni Aaron. Natawa naman sina Cairo at Daniel.

"Shut up." Masungit na nagsalita si Pierce.

"Guys, tama na yan." ngiti ni Anikka. "Busy naman kayong lahat eh. Iba na talaga ngayon kapag may mga trabaho na tayo."

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon