Chapter 27

230K 4.2K 302
                                    

Chapter Twenty Seven

"Ayoko"

"It's Rance.." Ani Daven. I crippled hearing Rance's name. Lalo akong umiwas sa kanyang mga tingin. "Isn't it?"

Hindi ako sumagot. Daven became silent too. Wala na akong ibang narinig kundi ang tunog na lamang ng aircon at ng kanyang mabibigat na hininga.

Nagulat ako nang biglang narinig ko ang malakas na pagsuntok ni Daven sa dingding.

"Damn it!" I heard the frustration in his voice. Napalunok ako't tiningnan ko siya.

Our eyes met, he calmed down pero sobrang madilim ng kanyang mga mata. He looked away.

"Alam na ba ni Evans ito?" Mahina ang kanyang boses.

Hindi ko parin magawang sumagot.

"Nasaan ang gagong 'yon? Is that why he's not around? Bumalik siya ng Manila para takasan ka? Ayaw ka niyang panagutan? Shit!" Lumalakas ulit ang tono ng kanyang boses.

Lumaki ang aking mga mata.

"What? N-No! Hindi niya ako tinatakasan, Daven!"

"Then where the hell is that bastard?!" Nagmura si Daven at ginulo niya ang kanyang buhok. "This is bullshit! You are carrying his child! Bakit nagpapakasaya ang gagong 'yon doon sa Manila kung nandito ka at.. at.."

"May trabaho siya Daven!" My god! Nilakasan ko na ang aking boses.

Tinikom ni Daven ang kanyang bibig. Nagtama ang aming mga mata. I couldn't explain how Daven's expression was like.. but it was clear he was confused and frustrated as I am.

"At.. at wala siyang tinatakasan dahil hindi naman niya ito alam!" Tumutulo ulit ang aking mga luha sa aking mga pisngi.

Daven's lips parted. Unti-unting kumunot ang kanyang noo.

"He.. what?" Mahina ang kanyang boses. "He doesn't know?"

Umiwas ako ng tingin.

"Ayokong malaman niya ito."

Nababasag na ang aking boses. Umiwas ako ng tingin at lalong sumisikip ang dibdib ko sa bawat salita.

"Kaya please..." Mariin kong pinikit ang aking mga mata bago bumaling na ulit Daven.

Kumunot ang noo ni Daven.

"Please.. don't tell him. Don't tell anyone about this, Daven. Please.."

"What?" Bakas sa kanyang ekspresyon na hindi siya makapaniwala sa aking hiningi.

"D-Daven.."

"Bakit... Anong..?" Umiling siya.

I sobbed on my bed. Lalo akong umiiyak sa bawat segundo pinag-uusapan namin ang bagay na matagal ko nang iniiwas na mapansin.

It's finally out.

"I don't understand. Damn Brooks, this is a child you are hiding! Bakit ayaw mong malaman ito ni Rance? He's a bastard but he needs to know this! He's.." Umiling siya't lumunok. "He's the father!"

I looked away.

He.. He won't understand. Hindi niya maiintindihan ang mga rason ko!

Rance shouldn't be a father yet! Marami pa siyang mga ambisyon! And what would his Dad say? What would his Mom think of me? Hindi pa kami kasal and I'm pregnant! They'll think Rance gave in to a dirty woman, they'll think Rance would deserve a better girl! Someone with more dignity, someone with more success than I am.

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon