Chapter 29

238K 4.1K 315
                                    

Chapter Twenty Nine

"Paperbag"

Pumapasok na ako ulit sa Forta Elle's pagkatapos nung araw na 'yon. Hinahatid-sundo pa din ako ulit ni Rance pero yun lang 'yon. Hindi parin ako masyadong nagsasalita kapag magkasama kami, iniiwasan ko siya pero hindi ko naman napansin na naaapektuhan siya. He gets silent too sometimes, pero naghahanap pa rin siya ng mga salita o tanong upang may mapag-usapan pa din kami.

I didn't ask him about Anikka yet. Kung kumusta na ba yung project nila, o kung totoo nga ba na nakatira ngayon si Anikka doon sa resort upang magbakasyon. If it's true... that would mean they see each other everyday at the resort.

Maagang dumating si Rance isang araw para ihatid ako ulit sa Forta Elle's. Kumakain pa ako nang pumasok siya sa bahay.

"Ang aga mo na naman ngayon, hijo." Unang pumasok sa dining area si Aling Jera at nakasunod lamang si Rance.

"Masanay na po kayo Aling Jera." Magalang na tumawa si Rance.

Tahimik akong nakaupo at kumakain pa sa dining table. Nagtama ang aming mga mata ni Rance nang pumasok siya.

"Oh siya sige, iwan ko muna kayong dalawa rito. Ilolock ko lang ang gate kapag nakaalis na kayo." Nakangisi si Aling Jera na lumabas ng dining area. Naiwan na lamang kaming dalawa ni Rance.

Rance was still smiling when his eyes met mine.

"Hi." Mahina pero malambing ang kanyang boses habang dumederetso siya akin. He chuckled.

"I guess I am too early. Hindi ka pa pala tapos kumain." Aniya.

Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa umupo siya sa harap ko.

"Good morning." bati niya't nakatitig sa akin. Damn that little smile.

"Good morning.." Sagot ko naman.

Tahimik lang si Rance habang ako naman ay nagpatuloy na lamang sa pagkain.

Tumikhim ako. Nakakailang kasi napansin kong nakatitig pala siya sa akin habang kumakain ako.

"Guavas.. and chicken again." umimik na si Rance. Natigilan ako. Pinagmasdan niya pala ang kinakain ko?

Nagtama ang aming mga mata. Pero umiwas na naman ako.

Tumango ako. "Kumain ka na?"

Tumango rin siya.

"Kumain na ako pagkatapos kong mag-jog kanina." Aniya. "I jog every morning at the resort."

Marahan na lamang akong tumango. So he jogs every morning. Si Anikka kaya? Nagjojog rin kaya siya? Kung ganoon ay pusibleng magkataong sabay silang magjogging doon.

"Hey.." Bumalik ako sa aking hiwisyo nang nagsalita siya ulit. "Tomorrow's the party."

Nang sinabi niya 'yon ay pakiramdam ko tumigil ng sandali ang pagtibok ng aking puso. Oo nga pala.. His dad's party.

"I'll pick you up tomorrow after work? Then we go together to the resort." Aniya.

Wala akong ibang nagawa kundi tumango ulit.

"I can't wait for dad to meet you." Aniya at nakangiti siya. "Kung pwede lang ay uuwi si mom. I'd really want her to meet you as well."

Muntik akong mabulunan dahil sa kanyang sinabi. He wants me to meet both his parents?

"But it's okay, at least dad will get to know you." Dugtong niya. Kinagat ko na lamang ang aking labi. "I'd really like you two to meet each other before I go to Taipei."

Carrying the Casanova's Baby (TDV Series #2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon